Chapter 40

150 12 4
                                    

Once Again [Book 2]

-Ian Joseph Barcelon.

Chapter Forty

            Pagkatapos naming mag-deliver ng vanilla cookies na inabot ng two hours, bumalik naman kami sa bahay at nagbukas ng Christmas gifts. Tuwang-tuwa sila Tracy at Joy sa binigay ko sa kanilang regalo: Tweety Bird jacket at stuff toy kay Tracy at isang t-shirt naman na may print ng One Direction kay Joy na binili ko sa Mckinley nang magpunta ako do’n. Sinukat nila kaagad 'yon bago nila inabot sa ‘kin ang Christmas gift nila. Isang wooden carved heart 'yon na may nakalagay na: In the depth of winter, I finally learned that within me there lay an invincible summer.—na italicized. Sinabi nilang sila mismo ang nagpa-personalized n’on.

            “Idea talaga ni Tracy 'yan,” pag-e-explain ni Joy; kumindat naman si Tracy nang balingan ko siya ng tingin, “binigay namin 'yan sa 'yo dahil 'yung saying na ‘yan, bagay na bagay para sa 'yo. Kung pa’nong nalagpasan mo 'yung kalungkutan.”

            “And it made us think of how you found the way on how to let the inner happiness inside you out,” sabi naman ni Tracy.

Nang mabasa ko ang nakasulat na 'yon, para bang mensahe 'yon na nakalaan talaga sa ‘kin: Sa oras ng kalungkutan, natutunan kong merong mga bagay na instrumento para maging masaya ulit.

Nag-movie marathon naman kami pagkatapos. Ininit lang namin ang mga natirang pagkain kagabi at nagluto ng popcorn. Nanuod kami ng Christmas Specials sa TV, pagkatapos naghanap ng mga lumang CD na paborito naming panuorin nung mga bata pa kami. Ganito lang namin ipagdiwang ang Christmas Holidays naming tatlo—magkakasama.

            Sa sandaling oras, nakalimutan ko ang pinag-usapan namin kaninang umaga. Inabot ng 9PM ang panunuod namin sa kuwarto na nakarating na sila papa. May pasalubong silang Greenwich pizza and pasta at nag-go pa kami ng isang movie. Umuwi na sila pagkatapos naming panuorin ang last movie na Teen Spirit. Natatandaan kong nung second year high school pa lang kami, paulit-ulit namin 'yong pinapanuod.

            Dumiretso na ‘ko sa banyo at nag-shower pagkauwi nila. Pagkatapos kong magbihis, humiga ako sa kama, hinawakan ang snowball at inalog-alog 'yon bago i-off ang bed lamp ko. Humiga lang ako sa kama habang nakatingin sa glow in the dark stars sa kisame; madilim ang buong kuwarto.

            Unti-unting nag-sink in sa isipan ko lahat. Pumikit ako. Bago ko pa man sabihin sa sarili ko, bago ko pa isa-isahin ang rason kung bakit, tinanggal ko ang comforter sa katawan ko at tumayo sa kama. Isinuot ko ang bago kong grey sweatshirt at jogging pants. Kinuha ko ang susi at cellphone at nilagay sa bulsa ko, at saka ako lumabas ng kuwarto, maingat na hindi makagawa ng ingay. Sinubukan kong pakinggan kung may ingay pa sa kuwarto nila mama at papa para masiguradong tulog na sila, saka bumaba ng hagdan.

            Tip-toe na naglakad ako palabas ng bahay, papunta sa labas saka sumakay kay Rupert. Nakabukas ang Christmas lights sa labas na kahit kaunti, nagpakalma sa pakiramdam ko. Nang makasakay na ‘ko kay Rupert at buhayin ang makina niya, nag-cross sign ako, hinihiling na hindi magising sila mama sa ingay. Dug-dug . . . dug-dug. Hindi ko binuksan ang headlights; lumabas ulit ako ng sasakyan para buksan ang gate bago bumalik ulit sa loob. Pero masyado silang pagod na hindi na nila napansing nakalabas na ‘ko.

            Habang nagda-drive palayo, nag-aaway ang isip ko na bumalik na lang kaya o tumuloy. Paulit-ulit na iniisip kong bumalik na lang, pero hindi ko ginawa 'yon.

(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon