Chapter 4

194 12 4
                                    

Once Again [Book 2]

-Ian Joseph Barcelon.

Chapter Four

 

“All you have to do is to act firm and normal. Pretend you’re good, just like the old Bella.”

Paulit-ulit kong ni-replay sa isipan ko ang sinabi ni Tracy bago ko isinara ang locker ko. Tumingin ako sa paligid, maraming estudyante ang dumadaan sa hallway. Bakit hindi nila ‘ko tinitingnan? Hindi ‘to ang inaasahan ko. Hindi kaya, nalimutan na nila ‘yung nangyari nung night party? Sana nga.

 Isang beses pa ‘kong huminga nang malalim saka naglakad na.

Kinuha ko mula sa bag ko ang green form ng schedule ng first class ko at hindi ko inaasahan na mabangga ang isang babae. “Naku, sorry!” mabilis kong paghingi ng paumanhin. Kasalukuyang nasa kanto na ‘ko, sa dulo ng mga lockers papunta sa kanan.

Nang magtaas ako ng tingin, nakilala ko kaagad na si Crislyn ‘yon, kasama ang best friend niyang si Amanda. Hinihintay kong magsalita siya, o si Amanda, na magalit, pero tiningnan lang nila ‘ko sandali at naglakad na palayo. Sinundan ko sila ng tingin pero hindi sila lumingon. Hindi niya ‘ko sinigawan? Hindi ba dapat galit siya sa ‘kin dahil hinalikan ako ni Jacob? O, galit talaga siya pero ayaw niya lang na ipakita sa mga tao rito para protektahan ang image niya? O baka naman, nagkabalikan na sila at ipinaliwanag ni Jacob na ginamit niya lang ako para pagselosin siya?

Pinigilan ko muna ang pagpasok ng mga susunod pang tanong at ni-replay sa isipan ko ang huling tanong na pumasok.

Sa isiping ‘yon, parang nakahinga ako nang maluwag. Kung tama man ang iniisip ko, mabubura na ang tungkol sa halik ng gabing ‘yon, hindi na rin ako magiging usap-usapan at higit sa lahat—pero bakit parang malungkot ako? Wai—ano? Malungkot? Hinawakan ko ang labi ko, kinapa ang hugis no’n. Iniling ko ang ulo ko at kinuha sa sahig ang ilang papel na nalaglag ko.

“Boo!”

“Ahh!” napasigaw ako sa gulat kasabay nang paghagis ko sa mga hawak kong libro. Napabuga ako ng hangin nang makita ko si Jester, naka-necktie at suot ang ngiti niyang kita ang braces. Trademark niya. “Bakit mo naman ako ginulat?” habol-hiningang tanong ko.

“Sorry! Hindi ko naman akalaing magugulat ka nang ganun,” sabi niya, kagat-kagat pa ang labi niya. “Ano ba kasing ginagawa mo rito at nakatayo ka lang na nakatulala?”

Hindi ko siya pinansin, sa halip kinuha ko ang mga gamit kong bumagsak. Tinulungan niya rin akong damputin ang mga gamit at isa-isang pinatong sa librong hawak ko.


“Usap-usapan ka sa campus,” sabi niya bago iabot sa ‘kin ang notebook.

Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya. Late na rumehistro sa isipan ko ‘yon. Hindi ko alam ang isasagot. Ang magiging reaksyon. Parang nablanko ang isipan ko sa sinabi ni Jester.

Natapos ang first period, na parang dumaan lang. Lutang ang isip ko sa buong one and a half hour na pagtuturo ng professor namin. Sinubukan kong pakalmahin ang isipan ko, mag-isip ng paraan kung pa’no ko maaayos ang gusot na ‘yon—hindi, wala dapat akong problemang ganito ngayon. Dahil kay Jacob. Siya ang may gawa nito.

(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon