Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Thirty-six
November 1, Halloween Night event, ang gabi kung kailan natapos ang lahat sa ‘min ni Jacob. Hanggang ngayon, hanggang sa oras na ‘to, hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat. May parte sa sarili kong humihiling na sana—na sana hindi na lang natapos ang lahat sa ‘min. Na sana, totoo na lang ang lahat sa ‘min.
Sa loob ng cabinet ko, kinuha ko ang box kung sa’n nakalagay ang mga bagay na naging importante na sa ‘kin minsan at kailangan ko nang kalimutan. Naglakad ako papunta sa kama at umupo. Binuksan ko ang drawer sa bedside table ko, kinuha ang kuwintas na binigay sa ‘kin ni Jacob do’n. Hinawakan ko ang pendant n’on; pinadaan ang kamay ko sa buong kuwintas. Huminga ako nang malalim at mabagal na nilagay ‘yon sa box. Hinanap ko rin ‘yung papel ng contract namin, pati ‘yung picture namin na pareho kaming may pintura sa mukha, at sabay 'yon na nilagay sa box.
Siguro, ito 'yung paraan para makalimutan ko siya. Kung hindi ko pa rin kalilimutan ang lahat sa ‘min, pa’no ako makakapag-move on?
***
Nagising ako nang marinig ko ang katok sa pintuan. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa buong katawan ko. Una kong tiningnan ang calendar na nakasabit sa pintuan—December 1 na!
“Pasok,” sabi ko sa medyo naaantok pang boses.
Pumasok si mama na nakasuot ng panglakad—red floral blouse at green jeans. Nakangiti siyang naglakad papunta sa kama ko at umupo. “Merry Christmas! Breakfast’s ready!” masiglang sabi niya. Halata nga sa damit niya—green and red, kulay ng Christmas. May pin na nakalagay bandang kanang dibdib niya na may nakasulat na ‘RCS’. Siguradong magkakaro’n na naman ang Ridge subdivision ng community service sa mga public areas. Yearly naman, every December, nagkakaro’n ng gan’on.
Napangiti rin ako. “Bababa na rin po ako. Maghihilamos lang at magtu-toothbrush.”
Kumindat siya sa ‘kin saka naglakad palabas ng kuwarto ko. Tumayo na rin ako sa kama. Pagkatapos kong magligpit, dumiretso ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo. Sobrang lamig ng tubig. Nakapatong sa ulo ko ang tuwalya, naglakad ako papunta sa bintana. Nabalot na halos ang buong window glass ko ng moist. Tumingin ako sa labas at napangiti. Para sa ‘kin, December ang pinakamasayang buwan sa buong taon.
Habang bumababa ako ng hagdan, nakasabit ang tuwalya sa gilid ng balikat ko, naririnig ko na ang tugtog na “Feliz Navidad” na mas nagpadagdag pa ng saya ko. Naririnig ko si mama sa kusina na mukhang abala kaya naman do’n ako dumiretso.
May ilang papel siya na inilalagay sa brown envelope. Nang makita niya ‘ko, sandali siyang tumigil at sinabing, “Maaga ang community service namin ngayon. Pupuntahan namin ang ilang lugar ngayon para magkaro’n ng feeding program.” Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga papel. Simula nang mag-high school ako, naging member na si mama ng Ridge Community Service team ng subdivision namin. Nagkakaro’n sila ng iba’t ibang activity every year, na madalas na pinagkakaabalahan ni mama sa tuwing wala siya sa bahay.
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Teen FictionOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...