Chapter 10

170 11 3
                                    

Once Again [Book 2]

-Ian Joseph Barcelon.

Chapter Ten

            Pagkagising ko—nagising din naman ako kanina nang umalis si Joy kaya pangalawang gising ko na ‘to ngayong umaga—unang hinanap ng kamay ko ang cell phone ko. Nang mahawakan ko na ‘yon, cl-in-ick ko para mag-check ng message at bumungad sa ‘kin ang mukha ni Jacob. Tama, wallpaper na ng cell phone ko ang mukha niya. Pati ang singsing—ang singsing na nakasuot sa daliri sa kanang kamay ko.

                                                                        ***

Sa Brenty’s, s-in-ave ni Jacob sa cell phone ko ang number niya at gan’on din ang ginawa ko sa kanya. P-in-icture-an ko siya at p-in-icture-an niya rin ako. Sinabi niyang gawin kong wallpaper ang picture niya at gan’on din ang ginawa niya—kahit na medyo awkward. Madalas pa namang i-check ni Tracy ang cell phone ko at siguradong aasarin niya ‘ko tungkol dito. Si Jacob ang nagsabi no’n at sinunod ko lang ang gusto niya.

 Pagkatapos naming kumain, hindi muna kami umuwi kaagad. Kaya inabot kami ng ilang oras, sinamahan ko pa si Jacob sa mall para mag-withdraw ng allowance niya para sa month na ‘to. Pagkatapos, dumaan naman kami sa isang jewelry shop. Wala naman akong ideya kung bakit kami nandoon hanggang sa pinakita niya sa ‘kin ang color red na heart-shaped na lalagyanan.

“Ano ‘to?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

 

“Open it.” Tiningnan ko muna siya bago ko binuksan ‘yung lalagyan. Sa loob no’n, may dalawang singsing. May design na infinity silang parehas. Hindi ko alam kung bakit parang nahirapan akong huminga, at pakiramdam ko, babagsak na lang ang luha ko anumang oras.

            Hinawakan ko ang singsing at dinama ang disenyong nakalagay doon gamit ang mga daliri ko. Dinala ako ng alaala ko pabalik sa lugar na ‘yon—pabalik sa Batanes. May isang matandang babae ang binilhan ko ng singsing, pares din ‘yon. Kagaya ng singsing na hawak ko ngayon, parehong may infinity sign na disenyo ng singsing na ibinigay ko noon kay Peter.

            Bago ko pa man malaman na bumabagsak na pala ang luha ko, hinawakan ni Jacob ang kamay ko. “Are you alright?”

 

            Gamit ang likuran ng kamay ko, pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. “A-ayos lang ako.” Kahit na sa totoo, parang pinupunit na ang puso ko nang sandaling ‘yon. Binasa ko ang labi ko saka sinabi ko sa kanyang, “M-may gagawin pa ba tayo?” Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang singsing na hawak ko. Binaba ko ‘yon sa glass counter.

 

            Inabot sa ‘kin ni Jacob ang panyo niya at tinawag ‘yung babae sa counter. Siguradong naramdaman niya ring dapat na kaming umalis. “Miss, I’m going to buy this.”

 

            Lumapit ‘yung cashier lady para asikasuhin si Jacob. Walang pasabing tumakbo ako palabas ng jewelry shop. Narinig kong tinawag pa ni Jacob ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Hindi niya na rin ako hinabol, siguro dahil sa alam niyang kailangan ko muna ng private time para sa sarili ko. Dumiretso ako sa ladies bathroom. May isang babae akong nabangga pero kaagad din akong humingi ng pasensya.

(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon