Once Again [Book 2]
-Ian Joseph Barcelon.
Chapter Twenty-eight
"One . . . two . . ." Click.
Mahigit one hundred na ang mga pictures na nakukuha ni Tita Grace sa 'min sa DSLR camera niya-lahat nakaayon sa gusto niya. Merong kaming tatlo ni Tracy at Joy na may iba't ibang pose; si mama at ako; siya at ako; ilang high school and college friends ko na pumunta. Wala si Tito Adam, Dad ni Tracy dahil nasa Manila siya for business matters.
Hindi ko akalaing magiging ganito ang party-ganito na hindi ko inaasahan. Ang sinabi ko kay mama, hindi ko naman kailangan ng enggrandeng debut party at napag-usapan na namin 'yon, pero ang sabi niya lang, "Just enjoy the day, Bella. Hindi naman 'to enggrande, e. At saka pagbigyan mo na si mama"-at napasara na lang ang bibig ko do'n.
Suot ko na ang damit na binigay nila Tracy at Joy, at sa totoo lang, pagkatapos nilang ayusan ang buhok ko at make-up-an ako, hindi ko akalaing magiging ganito ang hitsura ko. As in hindi ko na makilala. Naka-waffle cone ponytail ang buhok ko at may maliit na silver crown ako sa buhok. Naka-wave curl naman ang bangs ko na hindi masyadong dumidikit sa noo ko. Suot ko rin ang silver necklace na may Sapphire pendant-na binigay ni mama. Hindi naman masyadong makapal ang make-up ko. Nilagyan lang ako ni Tracy ng hot pink lipstick at si Joy na ang gumawa sa lahat.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis ang pagka-excite ko sa sinasabing surprise nila Tracy. Ngayon, unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit sila napupuyat nang mga nakaraang araw-sila ang nag-arrange ng eighteen roses and candles ko, ng mga invitation cards para sa mga kaklase namin nung high school at classmates ko ngayong college (pati na ang mga clubmates ko). Sila na ang nag-take charge sa lahat. Bumisita ulit ang mga kaybigan ni mama na Ninang at Tita ko. Sila Tita Marj, Hermin, Janet at Tita Reeze na dumalo rin sa birthday niya last month.
Napuno na kaagad ang mga seats, thirty minutes pa bago ang party. Tumutugtog ang ilang mga paborito kong kanta sa music player. May stage din na nakaayos, mas malaki kaysa sa stage dati ni mama. May nakaayos na projector at laptop kung saan nakaupo si Henry; si Tristan at Patrick, hindi katulad nang nangyari last time, hindi waiter sa gabing 'to dahil may umiikot na mga naka-unipormeng lalaki para maghatid ng drinks sa bawat table.
Kasali ang lahat ng kaybigan ni Jacob sa eighteen roses at ayokong mawala sila sa listahang 'yon. Nakaupo sila kasama ako sa pinakamalaking table na sinadya para sa debutante at special guests. Ilan din sa piling college at high school friends ko ang nakalagay sa eighteen roses and candles-at kasama na syempre sila Tracy at Joy.
"Happy eighteenth birthday!" sabay na sabi ni Jane at Erica (classmates ko since elementary at high school) na nakasuot ng plain cocktail dresses nila. Inabot nila sa 'kin ang dala nilang box.
Ngumiti ako at niyakap sila. "Thank you," sabi ko.
Marami pang sumunod na pumasok na kaybigan ko. Malapit nang dumilim kaya nakabukas na ang mga lights. Kinuha ko ang cell phone ko na nasa clutch bag ko. Chineck ko ulit kung may text na ba si Jacob, pero wala akong nakita.
Naramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko. "He'll come. 'Wag kang masyadong mag-alala," nakangiting sabi ni Rick nang bawiin niya ang kamay niya. Siguradong nababasa niya ang ekspresyon ko at madalas kong pagtingin sa cell phone.
Binigyan ko siya nang matipid na ngiti.
***
Nasa'n ka Jacob??? Comment your guesses below! Next chapter will be tomorrow. Yes! Tomorrow. :)
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl)Once Again Book II: Forgetting Last Summer [Finished]
Roman pour AdolescentsOnce Again Book 2: Forgetting Last Summer. Bella is struggling to come to terms with what happened on her summer the year before now. It's almost a year... Dumating si Jacob. Jacob? The kind of guy that every girl wishes to have. What's his role in...