Pagmulat ng mata ni Jasmine. Tiningnan niya ang paligid. Hindi sa kanya ang kamang kinahihigaan niya. At lalong hindi sa kanya ang kwartong kung nasaan siya ngayon.Bumalikwas siya ng bangon. Nilibot niya ang tingin sa buong kwarto. May malaking kurtina ang malaking bintana kaya lang hindi nakakapasok ang sinag ng araw.
Bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan si Jasmine at nakita niya si Lovert. Biglang sumama ang tingin niya sa binata.
"WALANGHIYA KA! ANONG GINAWA MO SAKIN?"
Sigaw niya sabay bato ng unan kay Lovert. Nakailag naman ito.
"Saan mo ko dinala?? Ano ito?? Kidnap for ransom??"
"Tumigil ka!!"
Pero lalong nagwala ang babae. Napansin niya ang vase na nakapatong sa side table galit na galit na ibinato ito sa binata. Nakailag ulit ito. Nang nakakita ng pagkakataon ay nilapitan ang dalaga at agad na hinawakan sa dalawang braso nito.
"Kapag hindi ka pa tumigil itatali kita makita mo."
"Papaano mo nagagawa ito sa akin?"
"Tumahimik ka!"
Pilit na kumakawala si Jasmine pero mas malakas pa rin sa kanya si Lovert.
"Bitawan mo ako. You're jerk!"
Sigaw ni Jasmine."Sa kanila ng kabutihan sayo ni Daddy ay ito pa ang igaganti mo."
"Ano ba ang ginawa ko sayo? Dinala lang naman kita dito sa bahay ko ah."
"Walanghiya ka! Alam ko may binabalak kang masama sakin."
"Hoy babae,,,hindi ako rapist. Kung may tangka ako sayo saan kagabi pa lang ginawa ko na."
Kumakawala ulit si Jasmine sa paghawak sa kanya ng binata. Doon na ito pinakawalan ni Lovert.
"Nawalan ka ng malay kagabi at dinala kita dito."
"Dahil plano mo talaga ito at nilagyan mo ng pampatulog ang iniinom ko."
Tumawa si Lovert.
"Isusumbong kita sa Daddy ko oras na makatakas ako dito."
Lalo pa siyang pinagtawanan ng binata.
"Tatakas ka? I don't think so. Isang mansion ang kinaroroonan natin ngayon. Puno ng rehas na bakal. Makalabas ka man dito. Mapapagod ka naman bago mo makita ang bakod. Pero hindi ka pa rin basta basta makakalabas sa bakuran dahil matataas na pader ang nasa paligid ng mansion at may mga kuryente sa ibabaw nito. Kung sakali swertihin ka pero hindi ka pa rin makakauwi dahil nasa isang probinsya tayo."
Wala ng magawa si Jasmine kung hindi ang umiyak.
"Huwag ka ng umiyak. Wala naman nangyayari sayo dito eh. Maligo ka na at nakahanda na ang mga susuutin mo sa banyo."
Nag-angat ng mukha si Jasmine. Nanlilisik ang mga mata tinitigan si Lovert.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...