"FYI gumigising ako as early four in the morning at nag-jojogging na ako non."Sumumangot si Jasmine.
"Hindi nakakatawa."
Naiinis na sabi nito.
"Wala na tayo ng pag-uusapan makakalabas ka na."
Medyo matagal ng arkitekto si Lovert sa kumpanya. Si Jasmine ay anak ng kaibigan ng kanyang Papa. Ang Papa ni Jasmine mismo ang nagpasok sa kanya.
Magkababata sila ni Jasmine. Sabay na lumaki. Dahil matalik na mag-kaibigan ang mga ama nila.
Simula ng ipinasa na kay Jasmine ang pamamahala sa kumpanya ay nagsimula na silang hindi magkasundo. Madalas silang magkasagutan. Hindi sila compatible sa maraming bagay. Gusto ni Lovert ayaw naman ni Jasmine. Gusto ni Jasmine ayaw ni Lovert. Ganon sila.
Oras na ng uwian...
Naglalakad na si Jasmine sa lobby ng building ng mapahinto siya. Hindi pa siya nakakalabas ay nakita niya si Lovert sa parking area. Nakatayo ito sa harap ng kanyang kotse. Na para bang may hinihintay ito.
Kinabahan bigla si Jasmine at nagtaka hindi kaya siya ang hinihintay nito.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Itinaas pa niya ang kanyang isang kilay. Nakuwari siyang hindi nakita o napansin si Lovert.
Nang malapit na siya sinalubong na siya kaagad siya ng arkitektong binata.
"Mine!! Pwede ba tayong mag-usap?"
Napatigil siya. Tinitigan ang binata.
"Bakit?"
Pagtataray niya at sabay taas ng kilay.
Nakita niyang huminga ng malalim si Lovert bago ito nagsalita.
"Napapansin ko na hindi na tayo nagkakasundo sa maraming bagay. Hindi na ba natin pwedeng maibalik yung dating maganda nating pagkakaibigan."
"Alam mo Lovert wala naman sakin ang problema. Siguro hindi lang talaga tayo compatible sa maraming bagay."
Sabi ni Jasmine.
"Magkaiba tayo ng pananaw, magkaiba ang mga outlook natin sa buhay, pati na sa negosyo. Kaya hindi tayo magkasundo."
"Pero kung pagsasamahin natin ang mga ideas natin, tiyak magtatagumpay tayo. Sa tingin ko kasi pride lang ang nangyayari sa ating dalawa. Pero nasisigurado kong magiging maganda kalalabasan pagpinagsama ang mga terms of business natin."
Tumaas ulit ang kilay ni Jasmine.
"Papaano ka nakakasigurado na magiging maganda ang pagsasama natin eh kung araw araw naman tayong nag-aaway."
"Kaya nga ginagawa na ako ng paraan para magkasundo tayong dalawa. Hindi habang panahon ay nag-aaway tayo. Ako na nga ang nagpapakumbaba eh."
Mahinahon na sabi ni Lovert.
"Nagpapakumbaba ka na ba ng lahat na iyon?"
Irap ni Jasmine.
"Hindi mo nga pinapakingan ang mga suggestion ko para sa bagong project ng kumpanya."
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Thanks sa pag-VOTE...
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...