Kinaumagahan habang nasa harap ng mansion. Nililinis ni Lovert and kotse na kakukuha Lang sa kabilang baranggay.
"Sure ka na ba sa desisyon mo?"
Nag-aalalang tanong ni Jasmine.
"Jasmine!! this is the right time to move on. Kailangan na kita ibalik sa Manila."
Sabi ni Lovert.
Iniwan ang ginagawa at lumapit ito sa dalaga.
"Wag kang mag-alala nakahanda akong harapin ang Daddy mo."
Sobrang saya ni Jasmine dahil matapang ang kanyang mahal.
"Maiintindihan tayo ni Don Alejandro."
"Yes at batid natin dalawa na kahit kailan hindi pa nagalit si Daddy sayo."
Hinila ng binata mula sa baywang ang dalaga at idinikit sa kanyang katawan.
"Kase hindi magtatagal ay mabibigyan na natin siya ng apo. Basta madaliin lang natin at araw-arawin sigurado yun."
Kinurot ni Jasmine si Lovert sa tagiliran.
"Loko ka talaga."
Sabay silang nagtawanan.
Napansin ni Lovert na palapit si Tonio sa kanila.
"Bakit? Tonio?!"
Tanong ni Lovert ng humiwalay kay Jasmine.
"Senyorito?! Nakalimutan nyo po ba na ngayong araw paglilinis ng buong mansion?"
"OO nga pala."
Sabi ni Lovert at tumingin sa dalaga."Dadating ang mga taga paglinis ng mansion. Mga tauhan din sila dito. Every weekends pumupunta sila dito para maglinis."
"Ibig sabihin isang linggo pala ako dito?"
Sabi ni Jasmine.Umiling naman si Lovert.
"Lagpas isang linggo ka na dito. Ipinagpaliban ko last week ang paglilinis dito."
Sabi ni Lovert at tumingin Kay Tonio.
"Ikaw na lang ang bahala sa kanila. Tonio! luluwas kami ni Senyorita Jasmine mo sa Manila."
"Pero di ba mamayang Gabi pa tayo aalis?
Singit ni Jasmine.
"Pwede pa akong tumulong sa kanila say paglilinis."
"Wag na mapapagod ka Lang at saka marami naman sila kaya na nila iyon."
"Love?! Please!!?? gusto ko makilala lahat ng naninirahan at ang mga tauhan dito."
Pakiusap ni Jasmine na may kasamang lambing ang boses.
"Ikaw ang bahala. Ikaw ang masusunod. Magiging sayo din naman ang buong lupain na ito dahil malapit ka na maging asawa ni Lovert Bautista."
Sobra-sobra ang kasiyahan ni Jasmine. Sa totoo lang ayaw na niyang umalis doon.
Hindi na nagtagal ang pag-uusap nila sa labas ng mansion dahil dumating na ang mga taga paglinis. Puro mga kababaihan, dalaga at may mga binata na tumutulong sa pagbubuhat ng mga kagamitan na mabibigat.
Hindi na nagtataka si Jasmine Kung bakit ganoon karami ang mga taga paglinis ng mansion. Napaka-laki talaga ng mansion. Hindi kakayanin ng isa o dalawa o tatlo lang.
Mababait ang mga ito. Lahat sila nakangiti. At lahat sila gumagalang say kanilang Senyorito Lovert. At syempre nagulat din siya na tinatawag din siyang Senyorita Jasmine ng mga ito.
Pagpasok sa look ng mansion kanya kanya na gawain. May tagapagluto na din pinatawag si Lovert para sa kanilang lahat.
Libang na libang si Jasmine. Tumutulong siya sa pagwawalis sa sala. Inaagaw pa ng mga dalaga any walis sa kanya. Medyo nahihiya pang makipag-usap sa kanya.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...