"At papaano naman ang mga gusto kong design?""May mga susunod pa naman di ba? Doon mo na lang gawin ang mga gusto mong design."
Nagsalubong ang mga kilay ni Jasmine.
"At paghihintayin mo pa ako ng matagal."
"Ms. Fuentebella! baka nakakalimutan mo ako ang arkitekto?"
Sinubukan ni Lovert na maging mahinahon sa harap ng babae ngunit hindi na rin niya napigilan ang sarili na hindi pagtaasan ito ng boses.
"Kung pangungunahan mo ang trabaho ko. Ikaw na lang ang gumawa ng trabaho ko."
Lalong naniningkit ang mga mata ni Jasmine. Pero hindi na lang siya nagsalita. Baka kung ano pa kasi lumabas sa bibig niya at masabi dito. Hindi naman niya gusto pagalitan si Lovert. Kaya lang ang init-init lang talaga ng ulo niya. Lalo pa at hindi nasunod ang gusto niya.
"Mine, bigyan muna natin ng priority kung ano ang gusto ng ating mga kliyente. Gusto mong baguhin ang disenyo ng bawat unit. Gusto mo masunod ang lahat ng kagustuhan mo, pero papaano naman ang kagustuhan ng mga kliyente mo? Nag-aksaya ka lang ng panahon at pera."
Mahinahon pero may diin ang pagpapaliwanag ni Lovert. Nagtitimpi pa rin siya.
"Akala mo siguro. Hindi maganda ang mga ideas ko."
Sabi ni Jasmine na may pagtatampo.
Natawa bigla si Lovert.
"Alam kong gusto mo lang makatulong para sa ikakaganda ng project, pero alam mo bang higit na makakatulong ka kung hahayaan mo na lang ako sa mga desisyon ko."
Nag-isip muna si Jasmine bago magsalita.
"Pero gusto ko lang naman ipakita sayo yung bagong disenyong naiisip ko."
Huminga ng malalim si Lovert. Itinukod ang dalawang braso sa ibabaw ng mesa ni Jasmine.
Ang babae naman ay umayos ng pagkakaupo sa kanyang swivel chair.
"Ano ba talaga ang plano mo?"
Mahinahon ulit nang tanong ng arkitekto.
"I want something flexible."
Sagot ng babae. Nag-isip si Lovert. Pagkaraan ng ilang minuto ay saka ito nagsalita.
"Do you have any commitment tomorrow?"
"Bakit?"
"Baka pwede tayong sumaglit sa San Antonio, then..we can talk about it."
Binuksan ni Jasmine ang appointment book.
"May lakad ako bukas ng tanghalian but I'm free early in the morning."
"Good..magkita tayo dito bukas ng umaga."
"Anong oras?"
"Can you make it at 7 o'clock in the morning?"
Nag-isip uli si Jasmine. Kailangan maaga siyang matulog mamayang gabi. 7 ng umaga ganoon ang oras ng gising niya sa umaga. 8 naman ang pasok niya sa opisina.
"Okay siguraduhin mong hindi mo ako paghihintayin dahil janitor pa lang ang tao dito."
Tumawa si Lovert.
--------------------
Don't forget to vote guys thanks...
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomansaNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...