Naging mapayapa si Jasmine pagdating ng gabi. Pero hindi pa rin nawawala ang galit niya kay Lovert. Hinding-hindi niya ito mapapatawad.Wala siyang magawa sa gabing iyon. Tinititigan lang niya ang bawat sulok ng kwarto. Makapal ang kurtina. Ang kama kinahihigaan niya ay yari sa narra na pinatungan lang ng malambot na kutson.
Ipinagtataka niya ang mansion na ito. Sabi ni Lovert na sila lang dalawa ang tao sa bahay na ito. Ibig sabihin ay walang ibang nakatira sa malaking bahay na ito.
Si Lovert ay sa isang mamahaling condominium sa Manila nakatira. Sino ang nangangalaga sa bahay na ito?
Maya-maya ay napagawi ang kanyang mga mata sa pintuan. Nakarinig siya ng medyo mahinang ingay sa labas.
Bumango siya at dahan-dahan na nagpunta doon. Pinakinggan mabuti ang ingay pero biglang tumahimik.
Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob. Marahan iyong itinulak at pagkatapos ay sumilip siya. Napakatahimik. Medyo madilim dahil isang ikaw lang ang nakasindi. Wala siyang makitang kakaibang roon.
Bumalik na ulit siya sa kama ng biglang namatay ang ilaw. Sa sobrang pagkabigla at takot ay napasigaw siya ng malakas.
Tumigil din siya. Napakadilim. Wala siyang makita. Kinapa niya ang unang at buong higpit na niyakap. Sumandal siya sa headboard ng kama.
Maya-maya lang ay nakarinig siya ng mga yabag sa labas ng pinto. Nagliwanag sa loob ng buong kwarto sa pagpasok ni Lovert na may dalang kandilang may sindi.
"Pasensiya ka na,,, madalas talagang mawalan ng kuryente dito."
Sabi nito.Ipinatong na ni Lovert ang kandilang dala sa side table.
"Pero wag kang mag-alala walang mangyayaring masama sayo dito."
Sabi pa ng binata. May kasunod na lambing ang boses nito.
Nawala naman ang takot ni Jasmine. Kinapa niya ang sariling dibdib at huminga ng malalim. Pag-katapos ay nagsalita siya.
"May multo ba dito?"
Narinig niya ang pasimpleng pagtawa ni Lovert.
"Tigilan mo na kasi ang kakaiyak mo para hindi ka matakot."
"May narinig kasi ako kakaibang ingay kanina sa labas ng pinto."
"Guni-guni mo lang yon."
Nakatawa pa rin sabi ng binata.
Nang makasigurado na maayos ang kinalalagyan ng kandila ay tumalikod na si Lovert.
"Matulog ka na, maya-maya lang ay magkakaroon na ng kuryente."
Sabi nito bago ito lumabas ng kwarto.Nang wala na si Lovert ay nakadama ulit ng takot si Jasmine. Lalo na konting liwanag lang ng kandila. Sa bahay nila sa Manila may sarili sila generator. Kapag nawalan ng kuryente ay agad na ito paaandarin ng mga tauhan ng kanyang Daddy.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...