Maya-maya nakaramdam na si Jasmine ng pagkirot ng kanyang sugar sa tuhod. Nagdurugo na ito.
At hindi din nagtagal ay dumating na si Lovert.
"Ano ka ba? Do you know how you look like habang nagtatatakbo? You look like a chipmunks."
Sabi nito. At pagkatapos ay pinagtawanan siya.
"Ang tapang mo. Sinabi ko naman sayo na hindi ka makakatakas dahil wala lang malulusutan dito. Kahit na maliit na butas. Wala dito ang gate nandoon sa kabila. Kung tatakbuhin mo baka mamayang gabi ka pa makarating doon."
Inabot ni Lovert ang kanyang braso.
Nagpupumiglas siya.
"Bitawan mo ako. You bitch!!"
"Kung ako sayo, Miss Fuentebella magpapahinga na lang ako sa bahay."
"Patayin mo na lang ako!"
"Oh..kung hindi nga lang sa Daddy mo. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."
Nagbabantang ang mga titig ni Lovert sa dalaga.
"Gusto mo talaga ng tumakas? Sige akyatin mo ang pader na iyan. Tingnan natin kung kaya mong lusutan ang mga kable ng kuryente sa ibabaw."
Totoo ang sinasabi ni Lovert. May kuryente sa ibabaw ng pader. Nagtataka tuloy siya, sadya bang nilagyan ng kuryente ang pader para sa kanya o baka naman matagal na kidnapper si Lovert at dito niya dinadala ang mga biktima.
"Alam mo ba kung bakit may kuryente sa ibabaw niyan?"
Tanong ni Lovert.
"Poultry dating ang negosyo ng Papa ko. Maraming umaakyat sa bakod para lang magnakaw ng mga manok kaya naisip namin lagyan ng kuryente sa ibabaw."
Paliwanag nito.
Pero natigilan ito ng makita ang nagdurugong sugat ni Jasmine sa tuhod.
"Anong nangyari sa tuhod mo? Bakit nagdurugo?"
Biglang itong nag-alala.
"Halika na. gagamutin ko."
Ngunit umiwas si Jasmine ng hahawakan na siya ni Lovert.
"Huwag na. Hindi ko naman ito ikamamatay eh."
Masungit sabi ng dalaga.
"Hindi pwedeng hindi natin gamutin. Tara na."
Nagsusungit na naman ang panahon kinagabihan. Naghanda na si Lovert ng kandila kung sakaling mawalan ng kuryente.
"Naghanda na ko ng kandila kung sakali mawalan ng kuryente."
Tahimik lang si Jasmine sa kama.
Nilapag niya ang kandila sa table sa kwarto ni Jasmine. Ang mga kurtina naman ang hinarap ni Lovert isinarado na niya ito. Pagkatapos pinagmasdan ang dalaga.
Napakunot ng noo si Lovert sa nakitang itsura ng dalaga. Nakasandal ito sa headboard ng kama. Nakabaluktot ang mga tuhod. May yakap na unan. Nanginginig ang katawan na parang may kung anong kinatatakutan.
"Mine?! are you okay?"
Nag-aalalang tanong ng binata.
Wala itong narinig na sagot sa dalaga.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...