50❤

1.7K 32 0
                                    


"Mine"

Naabutan ni Lovert si Jasmine biglang pagbagsak. Nawalan ito ng malay isang babaeng tingin niya ay isang nurse base sa suit nitong uniform.

"A-anong nangyari sa kanya?"

"Sir kayo po ba ang asawa ni Ma'am? Tingin ko kailangan niyo po dalhin siya sa Hospital."

Hindi alam ni Lovert ang gagawin kaya binuhat na niya si Jasmine papuntang sa kotse nito para dalhin sa Hospital.

"Love!? Anong nangyari?"

"Gising ka na pala, Mine. Nawalan ka ng malay kanina."

"Ayos lang ako. Tara na umuwi na tayo."

"Nandito na tayo sa Hospital. Pacheck-up ka na baka kung ano na yan."

"Sige na nga para malaman na natin kung ilan weeks na si baby."

"Ha? Ano sabi mo Mine. B-buntis ka?

Tumango si Jasmine.

Alice Vergara M.D
Obstetrician/Gynecologist

Ito ba ang magiging OB Gyne niya?

Lalong sumama ang mukha ni Jasmine ng makipagbeso-beso si Dr. Alice Vergara sa kasama niya.

" So..you are Jasmine Fuentebella. Nice to meet you. Lovert was right, you are beautiful. "

Sabay lahad ng kamay sa kanya. Nakipagkamay naman siya dito.

Si Alice Vergara ang bestfriend ni Heart is a din sa may gusto kay Lovert.

Sobrang excitement ni Lovert maya't maya ang ngiti nito sa kanya habang inieksamin siya.

Nang matapos sila sa check-up ay nalaman nilang healthy ang kanilang twins baby. 3 weeks na ito.

Sandali pang nagkamustahan ang dalawa. Parang napakatagal ng magkakilala.

Habang nasa daan pauwi tahimik lang si Jasmine. Panay naman ang lingon ni Lovert sa kanya.

"What's wrong? Kanina ko pa napapansin na tahimik ka."

"Wala..pagod lang ako."

Sa labas pa rin ng bintana ng kotse siya napatingin.

"Hindi mo din kinakausap si Doktora kanina. Nagseselos ka ba?"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Hindi ako nagseselos naiinis lang ako."

"Bakit naman?"

"Kung maka-asta ka kanina parang wala ako doon."

"Mine..masaya lang ako kanina dahil magkaka-baby na tayo. Pero ikaw...iyan at ganyan ka kanina nakasimangot ka naman."

Inirapan na lang niya ito at hindi na muling nagsalita hanggang makauwi sila sa condo nila.

Bumaba na si Jasmine ng kotse at agad na nagtungo sa kwarto.

Agad na hinubad ang kanyang damit para makapag-palit ng pambahay. Pero ganon na lang ang gulat niya ng biglang bumukas ang pinto.

"Hindi pa rin pala nagbabago ang katawan mo Mine. Sexy ka pa rin."

"Tumigil ka lumabas ka muna."

Ibabato niya ang unan na nadampot niya pero bago pa niya ito matamaan nakalabas na ito sa kwarto.

Agad naman niya nilock ang pinto at tiningnan ang sarili sa salamin.

Totoo kaya ang sinabi ni Lovert sa kanya. Napangiti siya at least para sa soon to be husband niya sexy pa rin siya.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Hi guys 👋👋👋
Thank you mga readers ko at voters ko. Don't forget to comment kung my hindi kayo na gets..

SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon