Nagtataka si Lovert pagkagising niya. Nakita niya kasi si Jasmine nakasubsob ang ulo sa kama kung saan siya nakahiga.Napabalikwas siya ng bangon at nalalaglag ang towel na nasa ulo niya. Nagising si Jasmine. Nagulat ito ng makitang gising na ang binata.
"Huwag ka muna kumilos. Baka mabinat ka."
Muling nahiga si Lovert.
"Ano bang nangyari?"
"Nilagnat ka kasi kanina."
May naalala bigla si Lovert. Natatandaan niya na bigla na lang siya nahilo at gininaw. Tapos wala na siya naalala.
Bumalikwas ulit si Lovert ng tayo.
"Saan ka pupunta?"
Nag-aalalang tanong ni Jasmine.
"Baka hindi ka pa magaling."
Ngungiti si Lovert.
"Magaling na ako. Malakas pa ako sa kabayo. Ikaw ang inaalala ko. Baka mabinat ka dahil kagagaling mo lang sa sakit."
Tumawa si Jasmine.
"Magaling na magaling na po ako."
Tinanggal ni Lovert ang kumot. Nanlaki ang mga mata niya. Wala siyang suot na pantalon. Boxer short lang wala din siyang damit pang taas.
Mabilis niyang kinuha ang kumot at ibinalot sa katawan.
Narinig niya ang pagtawa ni Jasmine.
"Naisipan ko tanggalin ang pantalon mo kanina para mas maging comportable ka."
"Pinagtiyagaan mo akong hubaran?"
Gulat na gulat pa rin si Lovert.
Natatawa naman tumango si Jasmine.
Tumayo na si Lovert Mula sa kama na nakabalot pa rin ang kumot sa katawan.
"Sige..dito ka muna. Magluluto lang ako ng breakfast."
"Breakfast???"
"Bakit?"
"Gabi na po. Kaya anong breakfast ang pinagsasabi mo dyan?"
Tawa ng tawa si Jasmine.
"Kung ganoon. Ano kinain mo nung tanghalian?"
"Hindi pa ako kumakain."
sagot ng dalaga.
"Ano? Bakit hindi ka nagluto?"
"Alam mo naman hindi ako marunong magluto di ba?"
Nakakapanibago. Naging mabait yata sa kanya si Jasmine.
"Sige dyan ka muna maluluto lang ako ng hapunan natin."
Masarap na amoy ng pagkain ang ipinasok ni Lovert sa kay Jasmine sa kwarto ng gumising kinabukasan.
Mukhang bagong luto lang it dahil umuusok pa. Bumalikwas siya ng bangon.
"Good morning..."
Masiglang bati ni Lovert.
"Breakfast in bed."
"Pwede naman akong sa baba kumain ah. Nag-abala ka pa."
"Gusto ko kase maging special ang umagang ito for you."
"Bakit naman?"
Lumapit si Lovert at umupo said gilid ng kama.
"Gusto ko kase pasalamatan ka sa pag-aasikaso mo sa akin ng magkasakit ako."
May lambing na sabi ni Lovert.
Hindi makatingin si Jasmine Kay Lovert. Tumayo si Jasmine sa kama at pumunta sa salamin. Iniiwasan niya ang mga mata nito ayaw niyang tumingin pero nakasunod pa rin sa kanya ang tingin nito.
"Hindi mo naman din ako pinabayaan nung magkasakit ako eh."
Sabi niya.
Hindi maiwasang Hindi silipin ang binata Mula sa salamin. Kaya lang hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga mata. Sa huli mabilis siyang umiwas.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...