17❤

2K 35 0
                                    


Nakita agad ni Jasmine sa parking area ang black na kotse ni Lovert. Umaga ng dumating siya sa opisina. Hindi na siya nagtataka talaga naman nauuna itong pumasok kaysa sa kanya.

Agad siyang sinalubong ng kanyang secretary ng makita siyang papasok ng kanyang private office.

"Ma'am may isang client po tayong nagrereklamo."

"Sino??"

"Si Mrs. Madrigal po."

"Bakit? Anong problema niya?"

"Dapat po ay 20 years siyang maghuhulog ng monthly amortization."

Tuloy-tuloy si Jasmine sa paglalakad papunta sa private office niya. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang secretary.

"Naipaliwanag nyo na ba sa kanya na 18 years lang ang patakaran ng company?"

"Aware po siya sa mga policies ng company. Kaya lang ay nagka-problema daw pi siya sa kanyang anak na nasa States ngayon."

"Dapat ipinaliwanag mo rin sa kanya na walang pakialam ang company sa problema nila. Ganyan talaga ang mga client, kanya-kanyang dahilan and sasabihin para lang maawa sa kanila ang company."

"Eh..Ma'am......"

Napahinto ang secretary sa kanyang sasabihin dahil tumalikod ang kanyang Boss. At parang may dinudukot sa drawer.

"Ipagtimpla mo nga ako ng kape."

Habang abala sa sinagawa ay nag-utos ito.

Tahimik na sumunod ang secretary niya sa utos nito. Paglabas nito ay siya naman pagpasok ni Lovert.

"Mine,,nasabi sa akin kanina ng secretary mo about sa isang client natin."

Bungad ni Lovert kay Jasmine.

"Hindi dapat pinapansin ang mga stupid cases na katulad ng kay Mrs. Madrigal."

Hindi pinanasin ni Lovert ang sinabi ni Jasmine.

"Mine,, hindi ba 2 units naman ang kinuha ni Mrs. Madrigal? Syempre mahihirapan rin siyang sundin ang monthly amortization."


"Alam naman pala niya na mahihirapan siya pero bakit 2 units ang kinuha niya? Kung hindi niya kaya ibalik na lang niya ang isa. Pero hindi na pwedeng i-refund ang pera."

"Yung isa daw ay para sa kanyang anak. Hindi naman niya akalain na magkakaroon ng problema."

Nakapameywang si Jasmine sa harap ni Lovert.

"Mr. Bautista negosyo ito. Papaano uunlad ang negosyo mo kung puro ka awa na lang ang paiiralin mo?"

"Mine..."

Napipigil pa rin si Lovert. Kailangan pa rin niyang maging mahinahon. Kung sasabayan niya ang galit ng babae ay baka mag-away na naman sila.

"..kilala naman natin si Mrs. Madrigal di ba? Nagkataon lang siguro nagka-problem siya sa kanyang anak. Karapatan rin naman niyang pagbigyan siya sa kanyang request."

Pinag-liitan ng mata ni Jasmine si Lovert.

"WALA AKONG PAKIALAM SA KANYA!"

Sigaw nito.

"End of discussion. Sinisira mo lang ang araw ko."

"At kailan ba naging maganda ang araw mo?"

Lalong nagalit si Jasmine.

"GET OUT!"

Sigaw nito sabay turo sa pinto.

Ngunit hindi natakot o nagulat ang lalaki.

"Siya nga pala matapos ko na ang bagong project plan. Buong gabi kong pinagpuyatan yan. Ikaw lang naman itong hindi maintindihan ang ugali."


Pag-katapos ng sinabi ay sabay abot sa dalaga ng hawak na papel.

Sa narinig ay lalong nanlisik ang mga mata ni Jasmine.

"TALAGANG GINAGALIT MO KO. YOU BITCH!!!"

Sigaw nito na parang isang bulkan na sasabog at magbubuga ng apoy.

Bago tuluyan tumindi ang kanyang galit ay lumabas na ang binatang Architect. Halos mapunit naman ang iniwan papel nito. Ibabato niya sana into sa binata.

SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon