Tumango ang Don.Kinabahan si Jasmine. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng ama niya.
"Anak,,Alam ko kung saan ka dinala ni Lovert."
Sabi ng Daddy niya"Papaanong---?"
Tumawa si Don Alejandro.
"Mahal na Mahal ka niya Anak. Nagpaalam siya sa akin na dadalhin ka sa probinsiya. At nagkunwari na kinidnap ka niya."
Hindi siya makapaniwala. Nagawa ni Lovert iyon? Niloko siya. At ang masakit pa doon ay kasabwat pa ang ama niya. Muling tumulo ang luha say kanyang pisngi. Hindi na luha ng pag-aalala sa kalagayan ni Lovert kung hindi luha ng galit.
Hindi na siya nakatiis. Tumakbo siya palabas ng hospital at agad na nakakita ng taxi at sumakay dito.
Hindi niya matanggap. Hindi. Bakit ngayon pa na Mahal na Mahal na niya si Lovert.
Umuwi na siya. Pagkadating sa bahay nila at agad na dumiretso sa sariling kwarto. Galit na galit siya. Hanggang nakatulog siya pagkatapos.
Matagumpay naman ang operasyon ng doctor kay Lovert. Agad naman siyang inilipat sa isang private room ng Hospital pagkatapos.
Si Don Alejandro na ang nag-asikaso sa lahat ng kakailanganin ng binata. Ito din ang magbayad sa hospital.
Walang pa din malay si Lovert. Nang ilipat siya.
Kinaumagahan nagising na si Lovert. Si Don Alejandro and nakita niya pagmulat ng kanyang mga mata.
Ang akala niya na pagmulat ng kanyang mata ay mukha ni Jasmine ang kanyang makikita ay hindi pala. Walang Jasmine siyang nakita sa kwarto iyon.
"Kagabi pa umuwi. Iho."
Sabi ng matandang Don. Nahalata kasi nitong hinahanap ni Lovert ang kanyang anak.
"Galit na galit siya nang malaman niyang ang totoo."
Pakiramdam ni Lovert
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...