"Anong tingin mo sakin hindi marunong kumilatis ng brand new?"Matigas na pagkakasabi ni Jasmine.
"At pwede ba sabihin mo lang kung ayaw mong tumulong at hindi kita pipilitin."
"Bakit naman kita tutulungan eh hindi naman ako mekaniko?"
Nag-init ang mukha ni Jasmine sa inis.
"Hindi lang naman ikaw ang tao dito marami akong mauutusang tumawag ng mekaniko."
Nagpalinga-linga si Jasmine. Naghahanap ng makilala pero sila na lang ang tao doon. Kotse na lang nila ni Lovert ang nasa loob ng parking area. Kung meron man tai doon ay hindi niya kilala. Wala na din ang guard na nagbabantay sa parking area.
"Sige gagawin ko ang kotse mo in one condition."
Sabi ni Lovert.
Tinitigan mabuti ni Jasmine si Lovert.
"Kilala mo ko. I don't ask or plead."
"Alam ko pero wala na ibang tutulong sayo ngayon. Ako na lang ang tao dito kaya matuto kang makiusap."
"Ginigipit mo ba ako?"
Siya ni Jasmine kay Lovert.
"Sa ginagawa mong ito sakin pwede kitang ipatanggal sa trabaho."
Pinagtawanan lang siya ni Lovert.
"I don't think so. Baka nakakalimutan mo na ang Daddy mo pa rin ang nagdedesisyon sa company?"
Natameme si Jasmine. Totoo ang sinabi ni Lovert. Hindi niya basta basta mapapaalis ang Architect. Masyadong itong malakas sa kanyang ama. At saka hindi naman niya gustong mawala si Lovert.
"Kung ako sayo, Ms. Fuentebella papayag na ako sa kundisyon."
sabi pa ni Lovert.
Hirap ng magsalita si Jasmine. Mukhang talo siya sa labanang ito. Wala na siyang choice.
"Ano bang gusto mong mangyari?"
"Gagawin ko ang kotse mo pero sasama ka sa akin kumain sa labas. Ikaw rin baka abutan ka ng dilim dito. Mapanganib pa naman ang panahon ngayon."
Nanakot pa ang walanghiya!
"Sige pumapayag na ako."
Sabi niya. Wala na kasi siyang choice."Pero sigurado ka bang marunong kang gumawa ng kotse?"
Pinagtawanan siya ulit ni Lovert.
"Hindi mo ba alam na ako lang ang gumagawa sa kotse ko kapag may sira? Hindi ko na kailangan tumawag pa ng mekaniko."
Maya-maya ay inilahad ni Lovert ang palad sa harapan ni Jasmine. Ipinagtaka naman ng dalaga.
"Bakit?"
"Ang susi ibigay mo sakin."
"At bakit naman?"
"Mahirap na. Mabuti na yung sigurado. You probably have a habit of changing your mind as often as you do to your employees. At saka baka takasan mo na naman ako pagkatapos kong ayusin ang kotse mo."
Nag-init na naman ang mukha ni Jasmine sa inis.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry sa mga bad word
Don't forget to vote salamat.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomansNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...