31❤

1.8K 32 0
                                    


Hindi kumikibo si Jasmine. Wala siyang maisipan na sasabihin. Blangko ang utak niya ng umaga ang iyon.

"Pagkatapos nating kumain ng breakfast ililibot kita."

Sabi ng binata.

Nakaupo na ang binata ng tumingin si Jasmine dito. Pagkatapos ay tumingin sa mga pagkain na nasa kanyang harapan.

Ngayon lang yata niya nalaman na magaling pala magluto si Lovert. Ang alam lang niya magaling sa pagdedesign ng bahay si Lovert.

Masarap ang mga hinanda nitong pagkain. Favorite nga niyang agahan ang mga ito. Egg, bacon, fried rice at fresh milk.

Nang matapos na sila kumain ay lumabas na sila. Isang malawak na lupain ang kanyang nakita halos hindi niya matanaw ang dulo ng lupaing ito.

Naglakad na sila. Basa pa ang lupa dahil sa malakas na ulan kagabi.


"Ang tanging lupain na ito ang naiwan ng akin mga magulang sa akin."

Sabi ni Lovert.

Halata ang kalungkutan sa tono ng boses nito.

Matagal na sila ng magkakilala ni Lovert, Simula pa noong mga bata pa sila. Pero ngayon lang niya nalaman may ganito pala silang kalawak na lupain.

"Medyo napabayaan ko na nga ito mula ng namatay ang mga magulang ko."

Patuloy ng binata.

Sumusunod na lang si Jasmine kung saan mga siya dadalhin nito. Gusto niyang makita ang kabuuan ng lupain iyon. Isa pa gusto din niyang makinig sa mga kwento ng binata. May gusto siyang nalaman sa buhay nito.

Dinala siya ni Lovert sa isang malaking kuwadra. Nagulat siya dahil may tao pala doon. At maraming kabayo. Sa kalayuan may mga baka ka din makikita.

"Siya si Tonio."

Pagpapakilala ni Lovert sa isang tauhang na nasa kuwadra dahil ang ibang tauhan ay busy sa pagpapastol sa mga baka.

"Siya ang katiwala ko sa mga kabayo. Lalong lalo na kay Lojas."

Sabi ni Lovert sabay turo sa isang puting kabayo na kasalukuyang pinapakain ni Tonio. Ang ganda ng balahibo nito. Napakalinis tingnan. May kataasan at matikas ang katawan.

Pagkatapos pakainin ay inilabas na ito ni Tonio.

"Si Tonio din ang pinakakatiwalaan ko sa lahat. Sa paglilinis sa mansion. May sariling kwarto siya sa likod ng kuwadra. Sa bahay ko na nga siya pinatitira pero ayaw niya. Mas ginusto niyang makasama sa pagtulog itong si Lojas."

May malaking pangangatawan si Tonio at halatang banat na banat sa trabaho.

"Come on."

Nagulat si Jasmine sa biglang paghawak ni Lovert sa kanyang kamay. Hindi na niya magawang bawiin.

SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon