47❤

1.8K 35 0
                                    


"Iniisip ko kasi mainit na ang panahon baka hindi na kayanin ng kotse kaya gabi na lang kami bumiyahe."

Sabi ni Lovert.

"Iniisip mo yung kotse pero yung kaligtasan ninyo hindi mo naman naisip."
Sabat naman ni Heart.

"Oh!! konti na lang ubusin mo na ito. Oo nga pala nasaan yung  sinasabi mong Mahal mo. Dapat siya nag-aalaga at gumagawa nito sayo."

May pagtataka na sabi ni Heart

Tama naman siya dapat si Jasmine ang nag-aalaga sakin ngayon. Habang nagpapagaling ako. Pero wala siya. Galit siya sa akin. Dahil sa galit niya nakaya niyang tiisin ako hindi makita.

"Oo nga pala Brad. Nasaan si Jasmine?"

Tanong ni Allen.

"Nasa office siguro bumalik na sa trabaho."

"Ano?! hindi ba siya nagbabantay sayo dito."

"Galit na galit siya sakin Brad.. dahil sa ginawa ko."

Umiiling-iling si Allen sa sinabi ni Lovert.

Naiinip na siya. Gusto na niyang tumakas sa hospital. Gusto na niyang makalabas pero ayaw siyang payagan ng doctor.

Hanggang sa isang umaga pagkagising ni Lovert. Kinausap na siya ng doctor. Pwede na daw siyang lumabas.

Madilim na ng lumabas si Jasmine mula sa office. Papunta na siya sa parking area. Biglang tumunog ang kanyang cellphone kukuhanin na niya sa kanya bag ang kanyang cellphone.

Biglang may nagtakip na panyo sa kanyang ilong. Nalanghap niya ang nakakahilong gamot. Pagkatapos ay nawalan na siya ng malay.

Hindi na niya alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari.

Nang magmulat na siya ng kanyang mga mata ay hindi siya makapaniwala sa kinaroroonan niya.

Ang kinaroroonan niya ngayon ay ang silid na pinagdalhan sa kanya ni Lovert.

Si Lovert na naman ang may kagagawan nito. At sigurado na kasabwat na naman ang kanyang sariling ama.

Bumukas ang pinto. Nakita niya ang binata. May balot pa ng benda ang braso nito.

"Lovert?! Anong ibig sabihin nito?"

Matapang na sita niya sa binata.

"Isa na naman ba 'to sa kalokohan mo at kasabwat mo na naman ba ang Daddy ko."

Pinagtawanan siya ni Lovert.

"Totoo na ito. Mine! Hindi na kita pakakawalan pa hangga't hindi ka naikakasal sa akin. At wala ng kinalaman ang Daddy mo dito."

"Tigilan mo na ako sa kalokohan mo Lovert Bautista. Hindi na ko naniniwalang sayo."
Sabi ni Jasmine.

"Baka pati kasal na inaalok mo sakin ay hindi din totoo.

"Mine!! ano pa ba ang gusto mong gawin ko para mapatunayan ko sayo na Mahal na Mahal kita?"

SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon