51❤

1.7K 30 0
                                    


Kinabukasan 10 na ng umaga nagising si Jasmine. Hindi na niya nabutan si Lovert. Ang sabi sa kapisasong papel na iniwan ni Lovert ay maaga itong papasok sa office.

Nag-iwan naman ng breakfast si Lovert sa kusina para kay Jasmine.

Dahil mamaya pang gabi ang uwi ni Lovert napagpasyahan ni Jasmine na umuwi sa mansion nila para magpaturo magluto kay Manang Lina.

Adobong Manok at Tinola ang paborito ni Lovert. Hindi siya tumitigil hanggang hindi niya nape-perfect ang lasa.

Napahinto siya sa paghihiwa ng biglang tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone.

Laking tuea niya ng malaman galing kay Lovert iyon.

I'm coming home early tonight.

Sabi sa text.

Do you want me to prepare you dinner?

Reply ni Jasmine.

Why not? Matitikman ko na sa wakas ang luto ng misis ko.

Napangiti si Jasmine. Paagsisilbihan niya si Lovert ng buong pagmamahal.

4 ng hapon pa lang ay umuwi na si Jasmine sa condo ni Lovert. Dala niya ang niluto mula sa Mansion.

She was so excited. Alam ni Jasmine na matiging masaya ang pagsasama nila ni Lovert.

6 ng gabi daw ang uwi ni Lovert. Kaya inayos na niya ang mga niluto niya kanina sa lamesa.

Hinaplos ni Jasmine ang kanyang impis pang tiyan.

"Don't worry mga babies ko. Daddy is coming home."

Halos takbuhin na ni Jasmine si Lovert ng makita itong papasok ng pinto. Buong pagkasabik na ikinawit ang kanyang mga braso sa batok ng lalaki.

Binigyan niya ito ng kiss. Ang plano niya ay smack lamang pero nauwi sa torrid kiss.

"Whoah.. What's that for?"

Tanong ni Lovert ng nakangiti.

"I missed you!"

"I missed you too!"

"Kumain ka na?"

"Parang ikaw ang gusto kong kainin."

"Seryoso ako Mister."

"Hindi pa. Umaasa kasi ako na pagdating ko ay pagsisilbihan ako ng Misis ko. And I'm so thankful na mukhang hindi mo ko binigo."

"Of course from now on, I will be a good wife to you Love. Kahit na 3 days pa bago tayo ikasal."

Promised ni Jasmine.

"Come on let's go in the kitchen. Nagluto ako ng adobong manok at tinola na paborito mo."

Manghang-mangha naman si Lovert dahil nagawa ni Jasmine na magluto. Malaki na talagang pinagbago niya.

"Ikaw nagluto nito?"

"Yes! Pero nandoon si Manang para gabayan ako. Tikman mo na dali."

Habang sumusubo ng niluto ni Jasmine si Lovert ay tinitingnan pa niya kung ano magiging reaksyon ni Lovert.

"Ano pasado na ba?"

Ngumiwi ang mukha ni Lovert. Sumimangot tuloy si Jasmine.




SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon