5❤

2.6K 48 0
                                    

Tumayo ang balahibo ni Jasmine. Alam ni Lovert na hindi marunong mag-commute si Jasmine at takot ito sumakay ng Jeep or taxi.

Maya-maya buong tapang niyang hinarap ang binata.

"Isusumbong na talaga kita sa Daddy ko!"

"Eh di magsumbong ka... sasamahan pa kita."

Talaga yatang ginagalit siya ng lalaking na ito.

"Walang hiya ka!!"

Sigaw niya. Galit na galit na talaga siya.

"Hey,,,Ms. Fuentebella, huwag kang sumigaw dito nakakahiya oh marami pa naman nakakakilala sayo dito."

Napatingin si Jasmine sa paligid. Nahiya siya dahil nakita niya ang iilang empleyado na nandudoon pa at nakatingin sa kanya pati ang security guard.

Huminga siya ng malalim at sabay tingin sa binata.

"Okey!! Mr. Bautista, saan ba tayo kakain?"

Para naman tumama sa lotto ang binata. Biglang sumigla ang mukha. Ang tanong na iyon ni Jasmine ay nangangahulugan na pumapayag na ito.

"Kahit saan."

Sagot nito at parang mapapatalon pa sa tuwa.

"Ikaw na lang ang bahala saan mo gusto."

Sabi pa ni Jasmine.

"Sige sa Timog na lang. Marami ng magagandang restaurant doon."

"Okay, pero huwag tayong magpapagabi dahil may lakad pa tayo bukas ng umaga."

"Sure."

"Pero pwede bang umuwi muna ako para naman makapagpalit ako ng damit?"

Pakiusap ni Jasmine.

"Gusto kong maligo muna. Ang lagkit-lagkit na kasi ng pakiramdam ko."

"Sure."

Pumayag naman si Lovert. Inalalayan pa nito ang dalaga sa pagsakay sa kotse.

Hinintay muna nito makalabas ng parking lot ang dalaga bago siya pumunta sa sarili niyang kotse. Sobrang saya niya. Hindi maintindihan ang nararamdaman.

Excited na siya sa pagkikita nila ni Jasmine sa gabing iyon. At hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon. Gagawin niya ang lahat upang magkasundo na sila ng dalaga. Pipilitin niyang maibalik ang dating maganda bilang pagsasama.

Pagdating ni Lovert sa bahay dumiretso na siya sa kanyang kuwarto upang maligo at magkapagpalit din ng damit. Ayaw niya na pintasan siya ni Jasmine. Prangkang tao ang anak ni Don Alejandro.

7:30 ng gabi naghihintay na si Lovert sa Gerry's Grill isang restaurant sa Timog Avenue. Solo niya ang isang mesa SA isang sulok. May classic round light sa tapat ng mesa and candlelight. Um-order na rin siya ng maraming pagkain lahat ng iyon ay paborito ni Jasmine mamaya na niya ipapahain sa waiter sa kanyang mesa pagdumating na si Jasmine.

8:00 na nakatingin na siya sa entrance ng restaurant. Bawat pumapasok ay tinitingnan niya ang mukha. Para masiguradong hindi pa dumarating si Jasmine.

SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon