Dahil sa wala ng narinig na sagot si Lovert mula sa dalaga. Lumapit kaagad siya dito at hinawakan ang noo. Nagpanik si Lovert dahil inaapoy pala ng lagnat si Jasmine. Mabilis nitong inihiga sa kama ang dalaga.
"Mine?! Ang taas ng lagnat mo."
Sobrang panik at pag-aalala ang nararamdaman ni Lovert.
Agad kumuha ng palanggan na may tubing at towel si Lovert. Pinunasan sa braso , sa noo, sa leeg ang dalaga. Litong-lito si Lovert. Hindi man lang bumababa ang lagnat ni Jasmine.
Naisip niyang tumawag ng doctor kaya lang wala siyang maisip na kilalang doctor na malapit sa mansion.
"Ahh!! Bahala na"
Nagmamadaling lumabas ng mansion si Lovert. Pinuntahan si Tonio sa kuwadra. Hindi niya naisipan pa na magdala ng panangga sa ulan. Sinugod niya ang ulan. Basang-basa na siya ng makarating sa kuwadra.
Nagulat pa si Tonio sa biglang pagsulpot ng kanyang Senyorito.
"Tonio?! sumundo ka ng doctor ngayon din bilisan mo."
"Bakit po Senyorito?"
"Mataas ang lagnat ng Senyorita Jasmine mo. Kailangan niya ng doctor."
"Pero masama po ang panahon baka wala pong sumama sakin."
Nag-isip si Lovert. Tama si Tonio. Masyadong mapanganib ngayon gabi. Kahit sino walang sasama kay Tonio na doctor. Baka nga naman mapahamak lalo na madulas ang daan.
Bumalik na lang si Lovert sa mansion. Muling sinugod ang malakas na hangin at ulan. Nanginginig pa rin ang buong katawan ni Jasmine ng dumating
siya.Wala na siyang maisip na paraan upang bumaba ang lagnat ni Jasmine. Walang naman gamot sa mansion na pwede ipainom sa kanya.
Isa na lang ang iniisip niya. Ang tabihan ito. Naghubad si Lovert ng pantaas at nag-ipon ng lakas ng loob. Saka sumampa sa kama.
Sumukob siya sa kumot. Dahan-dahan niyang tinabihan si Jasmine at niyakap ng buong higpit. Damang-dama niya ang panginginig at sobrang init ng katawan nito. Mainit pati ang hininga nito. Hinawakan ang isang kamay ni Jasmine at marahang ipinatong sa kanyang bisig.
Maya-maya pa nakatulog na din si Lovert sa tabi ni Jasmine.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Thank you talaga sa mga readers ko at nag-vovoted magkakaroon ng SPG sa mga susunod na chapter nito konti lang hindi sobra. May 10 chapter na ako pwede i UD . Pero Saka ko na i UD pag-natapos ko na ito lahat.
Kaya hanggang 35 muna siya.
Isa pa pala thanks sa mga nag add ng story na ito sa READING LIST thankie thankie 😘😘😘
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...