"Bakit?""Ako na lang ang magda-drive pauwi pwede ba?"
"Hahaha..Hindi mo kabisado ang kotse ko. Mahaba ang byahe natin baka hindi mo matagalan."
"Susubukan ko lang naman magdrive ng matagal baka nakalimutan mo nagpunta ako dito noong isang araw? Kung hindi ko kaya Edi ibibigay ko sayo."
Tinitigan ni Lovert si Jasmine. Hindi nakuntento nilapitan pa ito. Inalalayan pa ni Lovert si Jasmine at ibinigay ang susi.
"Magsabi ka agad sa akin kapag napapagod ka na ha."
May lambing na sabi ni Lovert.
Ang sweet ng pagkakangiti naman ang pinakita ni Jasmine. Pagkakuha sa susi ay nagmadali naman siyang sumakay sa driver seat.
Saktong bubuksan na ni Lovert ang kabilang pinto ng kotse ay bigla na lang humarurot palayo ang kotse. Sankatutak naman na alikabok ang sumapol sa mukha ni Lovert.
Hinabol pa niya ito at sumigaw.
"JASMINE.....WHAT THE HELL ARE YOU DOING? KOTSE KO IYAN. HUWAG MO KONG IWAN DITO."
Ngunit malayo na ang sasakyan.
"Shit!!"
Wala na magawa si Lovert kung hindi sundan na lang ng tingin ang papalayong kotse.
"Damn that girl! Napakasama talaga ng ugali."
Nakakita ng bato si Lovert sa gilid ng kalsada ubod lakas niya itong sinipa. Ang kayo ng lipad nito.
Sumadal na lang siya sa posts ng meralco na nagsusupply ng kuryente sa buong subdivision. Parang gustong sumabog ang kanyang dibdib sa sobrang galit.
Maya-maya lang ay may isang limang sasakyan ang huminto sa kanyang harapan. Isang owner jeep.
"Bossing? Ano pong ginagawa nyo dyan?"
Si Bernard iyon ang electrical engineer. Agad nilapitan ito ni Lovert.
"Bernard, pauwi ka na ba?"
"Dadaan pa po ako sa Biñan. May aasikasuhin po ako."
"Sasabay na ako."
"Pupunta ka rin po ba sa Biñan?"
"Hindi."
Tinitimpi ni Lovert ang sarili. Pinipilit niyang magsalita ng normal kahit medyo badtrip pa siya sa nangyari kanina.
"Pabalik na ako ng Manila kasi wala akong sasakyan."
"Nasaan po ang kotse nyo?"
"Nasiraan."
Pagsisinungaling ni Lovert.
"Sige po, sumakay na kayo."
Nag-abang na lang si Lovert ng bus papuntang Manila. Medyo nahirapan pa siyang sumakay dahil puno na ng pasahero ang unang bus na huminto sa kanyang harapan. Kahit na siksikan at nakatayo na sa loob ng bus ay sumakay na siya. Kahit na air conditioned ay mainit pa rin.
Ang lahat ng into ay isinisisi niya kay Jasmine. Nakapasama talaga ng ugali ng babaeng iyo. Mananagot siya kapag nagkita sila.
Talagang sinusubukan mo ako Jasmine Fuentebella! Tingnan lang natin ang magagawa ko sayo kapag magkita tayo. I will never think twice to break your neck.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomansNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...