"Oh..bakit nakasimangot ka dyan?""Eh kasi naman yung itsura mo parang hindi ka nasarapan sa niluto ko."
"Masarap naman siya. Hindi katulad yung una mo luto sunog."
Nakasimangot pa din si Jasmine.
"Alam mo naman ngayon pa lang ako nag-aaral ng mga gawaing bahay para mapagsilbihan naman kita."
Paiyak na sabi ni Jasmine. Masyado emotional yata talaga ang mga buntis.
"Binibiro lang kita. Huwag ka na umiyak. Smile na. Masarap naman talaga ang luto mo."
"Talaga?"
"Yes! Kaya smile ka na?
Ngumiti naman si Jasmine.
"Ang swerte ko talaga sa Mine ko."
"Mas ma-swerte ako sayo Love. I love you."
"I love you too."
3 days matapos silang makabalik sa Manila.
Ikinasal sila Lovert at Jasmine sa Tayabas Church. Sa Quezon Province. Doon din mismo sa mansion ni Lovert ginanap ang reception.
Kahit papaano ay marami nakasaksi sa pag-iisang dibdib nila. Mga kaibigan ni Lovert. Si Allen, Allan at Randy. Si Allen ang best man niya.
Nasa kasalan din na iyon si Heart dahil walang naman kaibigan si Jasmine. Kaya si Heart na ang piniling Maid of Honor.
Mga ninong at ninang naman ang ilan sa mga kaibigan at kakilala ni Don Alejandro.
Ang honeymoon nila ay doon din sa Mansion kung saan nila unang pinag-saluhan ang kanilang pagmamahalan.
Gabi na din sila nakadating sa Manila kaya maaga silang natulog. Dahil na rin sa pagod sa byahe.
Kinabukasan maagang pumunta sa office si Lovert. Hindi na naabutan ni Jasmine ang asawa sa tabi.
Nang magising siya napansin niya ang text ni Lovert sa kanya.
Text ni Lovert.
Mine nasa office ako ngayon. Nagluto na ako ng breakfast. Nasa kusina kumain ka huwag ka magpapagutom. Mamaya 6pm susuduin kita para pumunta sa birthday party ni Randy. Okay ingat ka dyan. I love you.
Birthday ni Randy ngayon at gaganapin sa hotel na pagmamay-ari nito.
Ano kaya susuotin ko? Makatawag nga sa Mansion para madala dito at makapamili ako.
5pm pa lang naligo na at nag-ayos si Jasmine. Hinihintay na lang niya si Lovert na dumating.
Nakita niya ang asawa na nasa pinto at nakangiti. He was handsome as wearing his tuxedo. Katulad noong kasal nila.
"You are so beautiful, Mine."
"And you are so handsome. Love."
Nakatawa sabi ni Jasmine. Hinalikan naman ni Lovert si Jasmine sa pisngi, sa noo, sa ilong, at sa huli sa labi.
"Ano ka ba? Ang hirap kaya mga lagay ng make-up tapos buburahin mo lang."
"Mahaba pa naman ang oras. You can retouch later."
At muling pinupog ng halik si Jasmine ni Lovert.
"Lovert male-late na tayo."
Tuloy pa rin ito sa paghalik na parang walang naririnig.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Hi guys... Malapit lapit na din matapos ito guys..
Maraming thank you... Sa mga readers at sa mga nag-vovote.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...