Halos mabaliw na si Jasmine sa mga nasaksihan niyang pangyayari.
Nakita niya kung paano bumagsak sa lupa si Lovert. At makita ang dugo mula say katawan nito.
Hindi siya makalabas ng kotse dahil hindi pa umaalis ang dalawa pang lalaki sa pinto ng kotse. Siya naman yata ang pagbabalingan ng mga ito.
Napatigil sila ng makarinig ng wang wang ng sasakyan ng pulis. Sabay sabay na nagsialisan ang mga ito at naglaho sa dilim.
Saka lang lumabas si Jasmine sa kotse. Paglapit niya sa walang malay na binata ay inangat niya ang ulunan nito at ipinatong sa kanyang hita. Ang lakas ng kanyang pag-iyak.
Para siyang mababaliw. Para siyang hihimatayin. Pakiramdam niya Hindi na humihinga si Lovert. Takot na takot siya na baka mawala sa kanya ang binatang mahal niya.
Naramdaman niya ang paglapit sa kanila ng matandang babae na nasa loob ng kinain nila kanina. Siya siguro ang tumawag ng pulis.
Pagdating ng pulis sumunod na dumating ang ambulansya. Mabilis ang kills ng mga paramedic. Kaagad isinakay sa stretcher ang binata at humarurot na ang ambulansya upang maisugod na sa hospital. Kasama si Jasmine.
Nang makarating sa hospital at nagmamadaling ipinasok sa Operating Room si Lovert. Hindi na mapakali si Jasmine. Hinabol niya ang isang doctor na papasok doon.
"Doc! Please!! gawin nyo ang lahat para mailigtas siya. Magbabayad ako kahit magkano."
Hindi nagsalita ang doctor. Pagkapasok O.R. ay isinarado na ang pinto.
Naiwan si Jasmine sa labas. Walang tigil sa kakaiyak. Hindi siya mapakali hanggang hindi niya nalalaman na ligtas na ang kalagayan ni Lovert.
Naupo siya at doon nagdasal.
"Diyos ko..alam ko pong bihira akong lumapit sayo dahil akala ko noon na hindi ko na kailangan ng tulong mo. Pero ngayon po lumalapit ako sa inyo dahil alam ko na ikaw lang po ang tanging makakatulong sa kaligtasan ni Lovert. Baka po ikamatay ko kapag tuluyan mo pong kuhanin siya sa akin. Bigyan niyo po kami ng pagkakataon pa, para sa aming pagmamahalan.
Naramdaman niya ang isang kamay na humaplos say kanyang balikat.
Nag-angat siya ng mukha at nakita niya ang kanyang Daddy. Tumayo siya at buong sabik na yumakap dito.
"Dad?! Papaano mo nalamang.....?
Tumawa ang matandang Don.
"Ibinalita sa TV ang nangyari at napanuod ko."
May lambing na sagot ng Daddy niya.Napaiyak na naman uli si Jasmine.
"Dad!! Si Lovert."
At yumakap ulit sa ama.
"Calm down. Matapang si Lovert. Alam kong hindi papayag iyon na matapos Lang sa ganito ang inyong pagmamahalan "
Nagulat si Jasmine. Humiwalay siya sa ama. At tinitigan ito.
"Dad?! Alam nyo na?"
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Ayan guys i UD ko na yung 10 chapter niya nawawala kasi yung tinype ko . Alam mo yun tapos na pero nabubura..
Enjoy reading.... Thanks readers..
Thanks sa mga nag-vote hindi ko na kau iisa-isahin. Alam kong ikaw yun. Hehe
Hanggang sa susunod na chapter...bye 😘😘😘 xiexie ni (thank you)
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...