"Bakit?""Isasakay kita kay Lojas para hindi ka mapagod sa pamamasyal."
"NO...hindi ako marunong. At saka baka mahulog ako."
"Don't worry hindi kita pababayaan."
May sincere na sabi ni Lovert.
"Mabait si Lojas. Gustong-gusto niyang may nakasakay lagi sa kanyang likod."
Hindi na nakatutol si Jasmine ng hawakan na siya sa baywang at buhatin para makasakay sa likod ni Lojas. Doon niya napatunayan na napakalakas pala ni Lovert.
Si Lovert nalalakad lang at nakaalalay sa dalaga. Habang hawak-hawak ang tali ng kabayo.
Nadaanan nila ang taniman ng mangga na napakarami. Hitik na hitik sa bunga ang bawat puno.
May mga tauhan din si Lovert doon na nag-aani. Mga babae at lalaki. May mga bata pa nga. Mga binata at dalaga.
Sa pagdaan nila ay narinig niya ang sunod-sunod na pagbati ng magandang umaga ng bawat tauhan sa binata.
"Magandang umaga po Senyorito Lovert."
"Magandang umaga din po."
"Ang gwapo talaga ni Senyorito Lovert at mabait pa. Girlfriend kaya niya ang kasama niya?"
"Siguro."
"Ang swerte niya kay Senyorito Lovert."
Rinig pa ni Jasmine na bulungan ng mga dalaga.
"Gusto mo ng mangga? Ikukuha kita?"
Tanong ni Lovert sa kanya.Umiling si Jasmine.
"Hindi ako sanay kumain ng maasim."
Tumawa si Lovert.
"Matatamis ang mga iyan. Lahat iyan sa Manila pa dinadala."
Pinahinto ni Lovert ang kabayo sa isang malawak na bukid.
"Dito ako mandalas tumambay. Minsan kasama ko ang Mama ko noong nabubuhay pa siya. Dito din namin pinag-uusapan ang mga problema."
Hindi nagtagal ay muling pinalakad ni Lovert ang kabayo.
Langhap na langhap ni Jasmine ang sariwang hangin sumasalubong sa kanila. Ngayon lang siya nakarating sa ganitong magandang lugar. Sa siyudad kasi siya lumaki.
"Tanging itong si Lojas lang ang kasa-kasama ko sa pamamasyal. Si Lojas ay anak ng paboritong kabayo ni Papa."
Pagkukwento ni Lovert.
"Lovert,, bakit hindi mo gawing resort ito."
Sa wakas nakapag-salita na ulit si Jasmine.
"Alam mo sa lawak ng lupain ito. Maaari ka din magtayo ng coconut plantation."
Tumawa si Lovert.
"Mas malaki ang kinikita ko sa pamimitas ng mangga at pag-aalaga ng mga kabayo at baka. Dagdag pa doon ang pagiging architect ko sa kumpanya niyo."
Ganon naman pala, eh bakit nagtitiis magtrabaho si Lovert sa Company niya kung malaki naman pala ang kinikita niya dito?
Pabalik na sila sa kuwadra ng matanaw niya ang mansion. Masyadong pala itong malaki. Lahat ng binata na ay nay rehas.
Sinalubong sila ni Tonio at kinuha ang kabayo. Dinala naman ni Lovert so Jasmine sa malawak na garden na punong-puno ng orchids. May lamesa at upuan. Doon sila naupo.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomansaNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...