"Oo nga pala brad. Kamusta na si Bryan?"
Biglang tanong ni Lovert na may naalala.
"Ayon..abala sa kanyang mga business."
Sagot ni Randy.
"Hindi ba ikakasal na siya?"
"Hindi natuloy."
sagot ni Allen."Ha?? Bakit?"
"Hindi mo ba alam na pinagkasundo lang sila ng kanilang mga magulang? Bandang huli nakapag-isip-isip si Bryan. Hindi daw dapat makialam ng kanyang parent sa love life niya. Karapatan daw niya na siya ang pipili ng mapapangasawa niya. Kaya ayon nag-backout siya."
Kwento ni Randy."Eh,anong nangyari sa babae?"
"Wala na akong balita sa babae. Doon sa kaibigan natin ako concern kasi halos yata gabi-gabi ko siyang makikita dito sa bar. Baka nga maya-maya lang dumating iyon."
Sagot ni Randy."Teka lang, bakit parang wala ka yatang alam eh di ba first cousin mo si Bryan?"
sabay ni Allen."Laging busy ako sa work."
Biglang naging nalungkot ang boses ni Lovert. Naalala niya ang ginawa ni Jasmine. Nag-init ang kanyang ulo. Humanda ang Jasmine na iyon bukas.
Maya-maya nga dumating ang isa pa nilang kaibigan na si Bryan. Matangkad ito. Seryoso. Katulad ni Lovert isa din itong Architect.
Hanggang alas dose lang nakipag-inuman si Lovert. Hindi siya uminom ng marami. Naalala niya ang lakad nila ni Jasmine bukas. Kailangan na niyang magpahinga.
Sakay na ng kanyang sariling sasakyan si Lovert ay nag-gagaliitin na sa galit ang kanyang kalooban dahil sa hindi pagsipot ni Jasmine sa kanilang date. Ngunit kahit papaano naman ay nabawasan ang galit niya dito nang nakipaginuman siya sa kanyang mga kaibigan. Pauwi na siya ng kanyang condominium unit. Ngunit parang gusto niyang paliparin ang kotse papunta sa bahay ni Jasmine upang sumbatan ito. Kaya lang nakakahiya kay Don Alejandro. Kung hindi lang mabait si Don Alejandro ay baka kung ano nagawa niya kay Jasmine kapag nakita niya ito.
Sabagay magkikita pa rin naman sila. May lakad sila bukas ng umaga. What if gumanti siya dito? Hindi din kaya siya sumipot. Ipaparanad din niya dito kung papaano mainip sa paghihintay, kung papaano magmukhang tangang kakahintay sa wala. Pero trabaho iyon. Hindi dapat pene-personal. Meron siyang isang salita hindi katulad ni Jasmine na kahit may mataas na pinagaralan ay hindi marunong tumupad sa usapan. Baka nga hindi din ito dumating bukas.
Alas dose na ng madaling araw ay hindi pa rin dalawin ng Anton si Lovert. Hindi talaga siya makapaniwalang magagawa sa kanya ni Jasmine iyon.
BINABASA MO ANG
SPOILED BRAT BOSS (LOVE and MINE)
RomanceNa kay Jasmine Fuentebella ang lahat maganda, sexy at mayaman. Kaya lang ay mapagmataas. Wala nang hinangad kundi ang lalo pang magpayaman. Ngunit hindi siya maligaya. Kailanman ay hindi siya pinaligaya ng pera dahil alam niya na ang kaligayahang hi...