Prologue

410 45 13
                                    


Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa mga naglalakihang gusali sa paligid, ibang iba talaga ang lugar na 'to sa lugar namin sa bataan.

Hinintay namin ang pag-ilaw ng green sa traffic light para makatawaid na kami, nagkulay greean kaya tumawid na kami.

Hindi ko maiwasan na tignan ang mga taong nakakasalubong namin, hanggang sa isang babae ang pumukaw ng atensyon ko, isang babaeng hindi akalain na makikita ko sa reyalidad.

Makailang beses akong pumikit para lang makasigurado na siya nga, at nang masiguro ko nga siya ay kusang humakbang ang mga paa ko papunta sa kaniya.

Napatigil ako ng magtama ang mga mata namin, kahit siya ay natigilan din. Parang huminto ang lahat ng tao sa paligid, ngunit sa kabila no'n ay rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Nakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa na tila ba ayaw ng bumitaw pa, at tila nakalimutan na nasa gitna kami ng kalsada at may mga sasakyan. Muli kong hinakbang ang mga paa ko papapit sa kaniya.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon