Dream 21

39 6 0
                                    

Nixtry POV

Binabangtas namin ni Kassieh ang papunta sa amin. Kassieh lang dahil ayaw niya tinatawag ko siya ng Mr. Hauso kapag nasa labas at kun'di naman trabaho ang pag-uusapan.

Diretso lang siyang nakatingin sa daan habang ako ay tahimik na tinatanaw ang bawat madaanan namin. Ayoko ng magbukas ng usapin dahil ayokong mapunta ang usapan sa kung anuman ang gusto niyang sabihin kanina, kahit na alam ko naman na kung saan patungo 'yon. Ayoko na mismong magaling sa kanya 'yon, ayoko na kilalanin kung anuman ang gusto niyang iparamdam dahil baka mas lalo ko lang siyang masaktan sa mga magiging tugon ko.

Bukod do'n natatakot na baka magtanong o manghingi siya ng rason kung bakit? Ano na lang ang sasabihin ko, na may isang lalaki sa panaginip ko at ito ang mahal ko. Na sisiguro kong para sa kanya ay isang malaking kahibangan ang bagay na 'yon.

Sa tingin ko ay iiwas ko na lamang siya sa mga darating na araw ang tanging paraan na naiisip ko kahit na alam kong magtataka siya. Gusto ko lang na matuon sa iba ang atensyon o mas maganda kung sa ibang tao.

Nang makarating kami sa bahay ay dali siyang bumababa para mapagabuksan ako ng pinto. Binigyan ko lamang siya ng isang ngiti bilang pagsasalamat.

"Salamat."

"Welcome, pahinga ka na ah," nakangiti niyang sabi.

"Ikaw din, ingat ka sa pag-uwi," tugon ko.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok, hindi ko nakita si Mama kaya dumiretso na lang sa kwarto ko at pabagsak akong humiga.

Isa isang naglandas ang mainit na likido na mula sa'king mata sa aking pisngi.

Bakit ganito ang bigat sa pakiramdam. Gusto na kitang makita at makasama!

Hinayaan ko lang na gumapang sa magkabilang pisngi ko ang mga luhang dulot ng pag-alala at pangungulila ko kay Porles.

Sana ay makatulog na ko at panaginipan na kita. Mahal ko!

Umupo ako para bukas ang radyo para makinig ng kanta at para rin mabilis akong makatulog dahil 'yon ang isa sa paraan para makatulog ako agad. Pero tila hindi umaayon ang kanta mula sa radyo sa gusto kong mangyari.

I just want to hold you close.

Gusto kong hawakan ng mahigpit ang mga kamay mo at huwag na itong binatawan pa.

But so far, all I have are dreams of you.

Tama nga ang nakasaad sa kanta napakalayo natin sa isa't-isa at sa panaginip lang tayo pinagtagpo.

So I wait for the day, and the courage to say.

Napapikit ako ng mairin.

How much I love you
(yes I do) 'Cause I'm dreaming of you tonight.

"Mahal kita! Mahal na mahal na kita! Hindi ko alam kung bakit ang bilis basta ang alam ko mahal kita!" anas ko.

'Til tomorrow, I'll be holding you tight
And there's nowhere in the world I'd rather be
Than here in my room dreaming about you and me.

Pinili ko na lang na patayin ang radyo dahil hindi naman ito nakatulong sa'kin sa halip ay lalo lang lumala ang sakit na naramramdaman ko. Sakit na siya ang magiging kagalingan.

Umaasa ako na sana ay magkita na kami ngayon sa panaginip ng isa't-isa. Bumibigat na ang talukap ko kaya napangiti ako dahil sa pananabit ko na makasama siya.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon