Dream 28

13 3 0
                                    

Nixtry POV

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Maaliwas ito at maraming taong nagdaraan sa paligid, ang iba ay nagmamadali habang ang iba naman ay nagkukuwentuhan. Hindi rin mawawala ang mga magkasintahan sa paligid.

I was surrounded with a sea of people. I cannot help it. I looked around. Hoping that I could find someone who could tell me where I am.

I was hoping that he would be here.

Marahan kong hinakbang ang aking paa patungo sa kung saan, dahil hindi naman talaga alam kung nasaan ako at baka hindi ko na rin alamin dahil  wala namang magbabago tulad pa rin ng dati.

Minabuti kong sundan lang ang mga tao na patungo kung saan at mapatangay sa kanilang paroonan.
I believe that we will see each other here, I'm sure. Even if I lost.

Hindi pa rin nawawala ang dagat ng tao sa paligid kaya naman pumasok sa isip ko na siguro ay nasa isang siyudad ako kaya ganito karami ang mga tao.

Nakakita ako ng isang bench sa gilid ng kalsada kaya nagpasya akong mauupo muna doon. Bago ako tuluyang tumungo doon ay pinasadahan ko muna uli ng tingin ang buong paligid at nagbakasakaling makikita ko na siya.

Napako ang mga mata ko sa isang lalaking medyo malayo sa'kin, nakatalikod ito mula sa'kin at mukhang kagaya ko ay may hinahanap din. Isang hakbang ang ginawa ko patungo sa lalaking 'yon para mas maging malinaw sa bisyon ko ang itsura niya.

A big sweet smile forms on my lips, when I realize who the man is.

It's Porles.

Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kaniya kasama ng hindi matatawarang ngiti na nakapaskil sa mga labi. Ewan ko ba pero mas masaya ako ngayon kaysa noong mga panaginip namin, marahil ay sobra lang akong nangulila sa kaniya.

Tatlong hakbangna lang ang layo niya mula sa'kin ng bumaling siya sa direksyon ko. Sinubukan ko pang magtago sa likod ng mga tao pero huli na dahil nakita na ako ng maganda niyang mata. Agad na sumilay ang napakagandang ngiti sa kaniya labi kaya lumitaw ang maputi niyang ngipin.

Hindi na ako gumalaw pa sa aking kinatatayuan at hinayaan siyang lumapit sa'kin. Inangat ko sa ere ang dalawang braso para salubungin siya ng yakap at hindi ininda ang sasabihin ng iba kahit mukha kong tanga.

I really miss him so much! Damn!

Nang makalapit siya ay agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Alam kong dapat hindi ganito ang reaksyon dahil ako ang babae saming dalawa pero wala, sobrang akong nangulila sa kaniya. Ramdam ko rin higpit ng yakap niya sa'kin kaya mas lalo nadagdagan ang saya na nararamdam ko.

Alam kong mukha kaming tanga ngayon dahil sa ginta ng napakaraming mga tao ay nayayakapan kami. Pero tila wala kaming pakialam dahil sobra kaming nangulila sa isa't isa.

"I really miss you!" 'yan agad ang unang lumabas sa bibig ko ng pareho kaming bumitaw sa pagkayakap sa isa't isa.

"I love you!" puno ng sinseridad ng wika niya at pinagdikit pa ang mga noo.

I nodded. "I love you too!" seryosong tugon ko.

Sumilay naman ang isang ngisi sa kaniyang labi at inalis na ang pagkakadikit ng mga noo namin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsikop ang mga darili namin.

Hindi ko alam kung bakit medyo disappointed ako, kasi naman akala ko hahalikan niya na ko pero hindi naman pala. Pinilit ko ang sarili na kalimutan 'yon dahil nakakahiya.

'Nixtry, umaayos ka nga.' saway ko sa sarili at saka umiling.

"May problema ba?" tanong niya ng mapansin niya ang pag-iling ko. Muli akong umiling para sabihing wala.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon