Dream 19

37 7 0
                                    


A/N: GUYS PLEASE TO ANY TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR OF THIS CHAPTERS PLEASE COMMENT INLINE TO HELP ME PLEASE, THANK YOU SO MUCH.

#HELPME

-
-
-

Nixtry POV

Nasilaw ako sa sikat ng araw na nagmumula sa isang may kalakihang bintana. Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtanto ko na hindi gano'n kalaki ang bintana sa kwarto ko kaya bakit malakas ang sinag ng araw mula sa labas. Napatingin ako sa paligid ng inuukupa kong kwrato at hindi ito ang kwarto ko bukod don ay may katabi din akong mga bata sa kama. Doon ko lang lubusan naintindihan na nasa panahinip pa rin ako kasama ang batang kalaro namin ni Porles kagabi.

Dahan dahan akong tumayo para hindi ko sila maistorbo at magising, nang makatayo ako ay agad akong lumabas mula kwarto iyon at doon ko nakita si Porles kasama ang ilang kalalakihan na nagsisimula ng mag-almusal dahil sa mga nagkakape na mga ito.

Napatingin si Porles sa'kin maging ang mga kasama niya.

"Gising na pala ang kasintahan mo." May halong pangangatyaw ang tinig ng ikatlong lalaki na nasa bandang kaliwa ni Porles.

Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila, tumango naman si Porles sa mga ito bilang paalam saka lumapit sa'kin.

"Magandang binibini este umaga, My Dear ko." Nakangiting bati nito.

"Magandang umaga din," nakangiti kong bati sa kaniya.

Dinampian niya ko ng halik sa labi ko kaya naman nahampas ko siya sa dibdib.

"Ano ka ba!" Kungwaring naiinis kong suway.

Hinatak niya ako at dinala sa tabing dagat, pagkatapos ay humarap sa'kin.

"Alam mo ba ang saya saya ko ngayon." Kita ang saya at kinang sa mga mata niya.

"Bakit naman?"

"Dahil ito ang unang pagkakataon na gumising akong kasama ka," saad niya.

"Hindi nga ko makapaniwala na kasama pa kita ngayon, dahil nasanay na akong gigising sa umaga para pumasok sa trabaho." Saad ko.

Pumunta siya sa likod para yakapin ako mula sa likod pagkatapos ay isiniksik nito ang kaniyang mukha sa bandang kanan ng leeg at hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko.

"Masaya din ako dahil kasama kita," nakangiting tugon ko.

"Mamasyal tayo mamaya," anyaya niya.

"Sige para masulit natin ang araw na ito," excited kong tugon.

"Ano kaya? Kung humiram tayo ng bangka mamaya at mamasyal tayo sa dagat." Mungkahi nito.

"Sige payag na ko,"

"Pero ngayon maligo muna tayo," pilyong wika niya.

"Ayoko ko nga!" Protesta ko.

Hinatak niya pa rin ako kahit ayoko kaya ng mabasa na ako ay nakiligo na rin ako, at bilang ganti sa ginawang panghahatak sa'kin ay tinaboyan ko siya ng tubig at tumama ito diretso sa mukha niya.

"Bakit mo 'yon ginawa?" Tinawanan ko siya at muling tinaboyan ng tubig.

"Basa ka na rin naman kaya ayos lang," kibit balikat kong tugon.

Ngumisi at ngumiti ito ng nakaloloko kaya tumakbo na ako pero bago 'yon ay muli ko siyang tinaboyan ng tubig dagat sa mukha.

Tumakbo ako papuntang sa pangpang, kumuha ako ng buhangin at binilog ito pagkatapos ay binato kay Porles na papalapit na sa'kin. Tumama iyon sa dibdib niya kaya napahinto muna siya para tanggalin 'yon sa katawan niya.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon