Dream 27

22 3 0
                                    

Third Person POV

Hindi mapigilan ng magkakaibigang na sina Nixtry, Yunnie at Mara ang mamangha sa ganda ng bahay ni President Hasuo, naanyayahan kasi sila ng kanilang boss dahil para raw magkaroon sila ng getting to each others at the same gusto rin ni Pres. Hasuo na magkaroon ng bonding moment sa kanila.

"Bahay ba talaga 'to? O mas tamang sabihin na mansyon," manghang saad ni Yunnie, dahil mula sa malaking entrada ng  bahay ay sobrang ganda na kaya lalong na dagdagan ang pagkamangha niya.

"Hoy, Yunnie 'yung bunganga mo napakaingay," suway ni Mara, pero maging siya ay gano'n din kamangha sa gandang nakikita nila ngayon.

"Hindi ko akalain ng ganito pala kayaman si Pres. Hasuo," hindi pa rin makapaniwalang wika ni Yunnie.

"Yunnie, ayosin mo nga 'yang pananalita mo, baka marinig ka ni Pres. Hasuo," suway ni Nixtry sa kaibagan  kaya naman napaikot na lang ng mata si Yunnie, dahil tila pinagtutulungan siya ng dalawa at napahalukipkip.

"Oh, girls nandito na pala kayo." Napalingon silang tatlo sa kanilang boss at hindi nila maiwasan ang humanga sa kagandahang taglay ng kanila boos, lalong lumabas ang kagandahan ni Pre. Hasuo dahil wala man lang itong kahit anong pustura sa mukha, natural na natural ang ganda niya ngayon.

"Sana lahat ganyan kaganda kahit walang ayos," bulong ni Yunnie, pero narinig 'yon ni Mara na katabi niya kaya marahan siyang siniko nito para tumahimik siya.

"Pasok na kayo," paanyaya ni Pres. Hasuo sa kanila, nasa labas pa kasi ng bahay na napalilibutan ng mga samu't saring bulaklak at halaman parang instant garden ngunit nasa likod bahay pa talaga ang garden ni Pres. Hasuo.

Nang makapasok sila ay lalong humanga ang tatlong magkakaibigan dahil sa tila pumasok sila sa isang palasyo na sobrang ganda at maging ilang kagamitan ay sadyang nakakaakit pagmasdan dahil sa kagandahang taglay, at talaga naman nakakaagaw pansin ang chandelier na nakasabit sa pinakasentro ng bahay dahil bukod sa napakalaki no'n ay hugis full moon 'yon at ang mga ilaw naman ay hugis butuwin na sadyang nakamamanghang pagmasdan.

"Woah," hindi makapaniwalang sambit ni Yunnie, at namimilog pa ang mata nito dahil sa pagkamangha, gano'n din sina Nixtry at Mara.

"Ang ganda 'di ba?" wika ni Pres. Hasuo kaya nakangiting tumango ang tatlo.

"Bakit po ganyan ang style ng chandelier niyo?" Hindi pa rin maalis ng tatlo ang paningin nila sa pambihirang chandelier.

"Hmm.." himig ni Pres. Hasuo.

Biglang nagdilim ang buong paligid pero naiwang nakabukas ang chandelier, kaya naman hindi naiwasan ng tatlo ang magulat dahil sa biglaang pagdilim ng paligid. Mas lalo silang nagulat at namangha ng lumitaw ang mga buwan at bituwin sa buong paligid na glow in the dark pala.

Ang nakaagaw talaga mga atensyon ng tatlo ay ang glow in the dark rin na mga larawan ng isang babae at lalaki, sa isang bahagi ng dingding ay umiilaw ang masayang larawan ng babae at lalaki, sa kabila naman ay nagliliwang ang larawan ng babae at lalaki na naghahabulan sa dalampasigan ng dagat. Huli nilang nakitang larawan ay ang nakangiting babae at lalaki habang nakatingin sa buwan at bituwin sa kalangitan.

Muli ng lumiwanag ang buong paligid kasabay no'n ang panunumbalik ng mga alaalang habang buhay na mananatiling buhay sa puso't isip ni Pres. Hasuo.

"It's so amazing," hindi makapaniwalang wika ni Mara, samantalang hindi naman makapagsalita si Yunnie dulot ng pagkamangha.

"Let's eat," nakangiting aniya ni Pres. Hasuo na nagpatiunan sa pagalalakad papunta sa dining area ng bahay niya, sumunod na sina Yunnie at Mara habang si Nixtry ay halos hindi huminga dahil sa napanood niya.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon