Dream 12

45 22 0
                                    


Porles POV

Dalawang oras pa bago mag alas singko. Nandito aa mapunong lugar ng beach may iilang tao din ang nandito bukod sa'min dalawa. Nagtataasan ang mga puno dito hindi ko lang alam kung anomg klaseng mga puno ito.

Nakangiti kong pinagmamasdan si Nixtry na nakatingala sa matatayog na puno dito, nakalitaw ang makinang at maputing mga ngipin niya habang nakangiti at ang mga kamay niya ay nakahawak sa isang puno na parang pinapakiramdaman kung makinis o magaspang ang balat nito.

"Napakaganda dito,' nakangiting wika niya na bahagyang niyakap ang punong kanina ay hawak niya lamang.

"Mas napakaganda mo," nakangiting aniya ko at lumapit sa kaniya.

"Ilang beses mo na bang sinaba 'yan ngayon araw ha!" Naiiling-iling niyang wika.

"Hindi ko mapiligilan," nakangiting tugon ko.

"Naku! Po." Napailing iling na lang siya.

"May naisip akong gawin," saad ko.

"Ano naman 'yon?" Tanong niya.

"Umukit tayo sa isa sa mga puno dito, malay mo makapunta tayo sa napakagandang lugar na 'to ng hindi sa panaginip," nakangiting wika ko pero sa puso ko may biglang bumalot na lungkot. Dahil sa katotohang nasa panaginip lang kami ng isa't isa.

"Magandang ideya 'yan," tumatangong sagot niya.

"Pumili ka na," wika ko, at tinignan ang mga puno sa paligid, gano'n din habang namimilo ng puno kung saan kami uukit.

"Doon na lang." Turo niya sa punong nasa bandang gitna nitong lugar kung nasan kami ngayo. Hindi katulad ng ibang puno ang napili niya dahil hindi gano'ng ka-dark brown ang kulay nito at hindi kasing taas ng mga punong matayog na nakatayo dito.

"Anong iuukit natin?" Tanong niya ng makalapit kami sa punong itinuro niya.

"Pangalan nating dalawa na may mensahe sa isa't isa," mungkahi ko.

"Sige," nakangiti niyang tugon saka pumulot ng bato para pang-ukit kaya pumulot na din ako.

Nagsimula na kaming umukit nasa gitna naming dalawa ang punong pinag uukitan namin.

'Porles love Nixtry', 'yan ang una kong inukit, natawa na lang ako sa sarili komg kakornihan at kabaduyan.

"Anong iniukit mo?" Nakadungaw na tanong ko.

"Secret," nakangiti niyang sagot.

"Okay lang.. makikita ko rin naman 'yan mamaya," muli na kong bumalik sa pag uukit.

'Will you be my forever?.. Say yes!'. Nakangiti kong inukit ang tanong na 'yan habang umaasang yes ang isasagot niya.

'Ako si Porles ang lalaking umiibig sa panaginip'. Ang huling pangungusap na inukit ko.

"Tapos ka na ba?" Muling nakadungaw na tanong ko.

"Malapit na," tugon niya.

"Ang haba naman ng mensahe mo sa'kin," nakangising wika ko.

"Tapos na," nakataas kamay pa niyang sabi.

"Palit na tayo ng pwesto para makita na natin ang inukit ng isa't isa." Aniya ko.

Tumango siya at napalit kami ng pwesto, dahan dahan kong binuksan ang nakapikit kong mga mata.

'I'm Nixtry and i'm starting to fall inlove with Porles... the gentleman guy in my dream.' 'Yan agad ang una kong nabasa kaya napangiti ako ng hanggang tainga, masaya akong binasa ang iba pa.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon