Dream 8

57 27 0
                                    

Nixtry POV

Ang sakit na ng mata at likod ko kaya nag unat-unat na lang ako na sinabayan ng paghikab.

"Hayss!" hikab ko.

"Kamshie, gabi na saka pwedeng ng umuwi," nakadungaw na sabi ni Mara.

"Kung pwede lang," sabi ko.

"Bukas mo na lang 'yan gawin," mungkahi ni Mara.

"Hindi na malapit na rin naman akong matapos," tugon ko.

"Uuwi na ba kayo?" tanong ko habang nagtitipa sa laptop.

"Oo," sagot ng dalawa.

"Ingat kayo," sabi ko habang nagtitipa pa rin ng sa laptop.

"Ikaw, anong oras ka uuwi?" nakangusong tanong ni Yunnie.

"9," maikling sagot ko.

"Late na 'yon," nag-aalalang sabi ni Mara.

"Anong magagawa ko?" Kibit balikat kong tugon dahil wala naman akong magagawa.

"O sige na nga, mag iingat ka sa pag uwi," sabi ni Yunnie.

"Mag iingat rin kayo," saad ko at tumayo para makipagbeso sa kanila.

"Mauuna na kami kamshie," paalam ni Yunnie na kumakaway pa sa'kin gano'n si Mara.

"Daan kayo sa bahay pakisabi kay mama na male-late akong umuwi," habilin ko sa kanila.

"Bakit hindi mo ba itinext si Tita?" tanong ni Mara na saktong huminto sa pinto.

"Itinext, alam mo naman 'yon minsan 'di niya nababasa dahil tutok siya sa ginagawa niya," sagot ko.

"Oo nga pala, sige dadaan namin si Tita at ikaw magtext ka sa'min kapag nakauwi ka na," utos ni Mara at tumango lang ako bilang tugon.

"Ingat kayo," muling sabi ko at kumaway sa kanila na ginantihan nila ng ngiti.

Masyadong tahimik kaya binuksan ko ang radyo palagi kong dala upang kahit paano ay maibsan ang katahimikan sa opsina ko.

Madalas akong nag-oovertime kapag ganitong marami akong kailangan tapusing papeles tapos idagdag mo pa ang mga record na gustong makita ni mr. Hasuo na dapat ay maibigay ko na sa kaniya bukas ng umaga.

"Magandang magandang gabi mga listeners, I'm Lanlan your DJ for to night," masiglang panimula ng naturang DJ.

"Bago tayo magsimula ay hahandogan ko muna kayo ng isang tugtugin magpapa-iyak sa inyo." Nagsimula na nga tumugtog ang kanta.

~Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawa.

Simula pa lang ng kanta ang sakit na ng kahulugan nito para sa'kin.

~Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Bakit parang tila para sa'kin ang kanta dahil higit pa sa pagkakaintindi sa ibig sabihin ng kanta ang nararamdaman ko, bakit ganito imbis na malibang ako sa pakikinig ay naapektuhan ako ng higit pa sa inakala ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Porles kasunod nito ang masasayang alaalang nabuo naming dalawa sa panaginip ng isat isa.

~Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon