Dream 17

47 17 1
                                    


A/N: A/N:  GUYS PLEASE TO ANY TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR OF THIS CHAPTERS PLEASE COMMENT INLINE TO HELP ME PLEASE, THANK YOU SO MUCH.

#HELPME


-
-
-

Nixtry POV

Abala pa rin ako sa pag aasikaso ng mga pasyente at patuloy na dumadami ang mga dumadating na pasyente, libre kasi ang mga gamot, check up, at bakuna para sa mga bata at matanda, meron ding libreng bunot ng ngipin.

Bukod sa maraming mga doktor ay marami ring mga volunteers, mga taong handang tumulong ng walang hinihintay na kapalit kahit pa minsan ay nalalayo sila sa mga mahal nila sa buhay at napapagod sa mga ginagawa nila ay buong puso pa rin silang tumutulong sa mga kapwa nila.

Hindi ko mapigilan na humanga sa kanila dahil kahit matulungin at mahabagin akong tao ay hindi ko naman ang mga ginagawa nila katulad na lang ang malayo sa mga mahal  sa buhay, hindi ko 'yon kaya at kung minsan ay nagrereklamo pa ako dahil nahihirapan sa pagtatrabaho na may sweldo naman. Paano pa kaya sila? Sila na walang mga sahod at paguran ang trabaho.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng may tumapik sa balikat ko mula sa likod at nang lingonim ko para tignan kung sino ito at laking gulat ko na si Porles ang taong 'yon may dala siyang sandwhich at one battle of mineral water.

"Porles?" Nakakunot noo kong tanong.

"Sabi ko na nga ba ay nandito ka rin," nakangiting wika niya.

"Kanina pa, tumutulong nga ko," nakangiti kong tugon.

"Ako din, taga abot ng pagkain ng mga doktor at volunteers," wika niya sabay abot sa'kin ng sandwhich at tubig na dala niya.

"Thank you, ikaw kumain ka na ba?" Tanong ko at kumagat ng sandwhich.

"Oo nakakailan na nga ko e," natatawang sabi nito.

"Grabe ang takaw mo naman," natatawa kong tugon.

"Para gano'n nga na," kakamot kamot ulo niyang sabi.

"Nakahahanga sila no?" Tukoy sa mga doktor at volunteers na nandito.

"Sino?" Nagtatakang tanong niya.

"'Yong mga doktor at volunteers na nandito dahil kahit walang bayad ang pagtatrabaho nila ay buong puso pa rin silang nagtatrabaho para makatulong sa mga taong kapos sa buhay," nakangiting pahayag ko.

"Oo nga kaya hindi ko pipiligan ang sariling kong humanga sa kanila katulad ng patuloy na pagtibok ng puso ko para sayo," nakangiting saad nito.

Hindi ko naman napigilan ang matamis na ngiti na sumilay sa labi ko.

"Mga banat mo din no." Nakangiti kong sabi.

"Totoo naman kasi 'yon, Mahal kita!" Walang hiya at puno sensiridad ang pagkakabigkas niya.

"Mahal din kita," nakangiti at may sensiridad na wika ko.

Kahit na nag aalanga at nahihiya ay hindi ko na intindi pa ito at nasabi ko ang tunay na naramdaman ko. Masaya ako ngayon sobrang saya dahil nandito siya kasama ko at sinasabing mahal ako.

"Mamaya na lang ulit My Dear, maghahatid na ulit muna ako ng mga pagkain at tubig sa iba pa," Nakangiting sabi niya sabay nakaw ng sa halik sa labi ko at nagmadaling umalis kaya hindi ko na siya nabatukan dahil sa ginawa niya.

Inubos ko muna ang kinakain ko pagkatapos ay muling bumalik sa pag aasikaso sa mga pasyente dito. Lumipas ang oras hanggang matapos ang medical mission dito. Nagyon naman ay malit na salo salo para sa lahat ng mga doktor at mga volunteers kasama na kami ro'n ni Porles.

"My Dear, kamusta?" Nakangiting tanong niya.

"Okay naman kahit medyo pagod pero masaya." Nakangiti kong tugon, bago muling sumubo ng kain at ulam na kinakain ko.

"Tama ka.. masaya at masarap pala sa pakiramdam ang ganitong trabaho ang tumulong sa iba na nangagailangan,"  saad nito.

"Magbo-volunteer nga ako kasama ng dalawang kaibigan kapag nagkaroon ng ganito sa lugar o 'di kaya sa mga kalapit na lugar samin na nangangailangan ng tao. Dahil gaya ng sabi ang sarap sa pakiramdam," excited at masayang wika ko.

"Narealize ko kanina na pinagpala pa ako dahil kahit nahihirapan kami ni Mama ay hindi ko naman naranasan ang gano'ng hirap ng buhay kagaya ng mga tao kanina kailangan pa nila dumayo sa lugar na 'to, makipagsiksikan sa maraming tao, pumila at maghintay na sila naman ang asikasohin para makapagpacheck up at makakuha ng libre gamot," mahabang kwento niya, na nakapagpangiti sa'kin.

"Natutuwa akong malaman na may natutunan ka habang tumutulong sa iba," hindi maiaalis sa'kin ang mas lalong mahulog sa kaniya dahil kagaya na lamang nito na mas nakikilala ko siya sa paraang hindi ko inaasahan.

"Alam kong kagaya ko may narealize ka rin tungkol sa buhay, kwento mo naman." Natutuwang sabi niya.

"Katulad sayo mas narealize na pinagpala ako, saka masaya ako dahil magkasama tayong tumulong at bumuo ng mga masasayang alaala kahit dito lang sa panaginip natin," pahina ng pahina ang boses ko habang binibigkas ang mga huling salita.

'Panaginip... bukod sa hindi kapanipaniwala at masakit din isipin lalo sa damdamin na sa panaginip lang tayo pwedeng magkita, at hindi ko rin alam kung magkikita ba tayo ng hindi sa panaginip,'

Binibigkas ko ang lahat na 'yon sa isip ko habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa ng may bahid ng lungkot, parang nawala ang lahat tao sa paligid namin at kaming dalawa na lang natira dahil kahit ako ayaw ko ng bumitaw sa tinginan namin, ang puso ko ay dumadagundong sa pagtibok para kaniya, ayaw ko na rin matapos ang oras o mas tamang sabihin na ayaw ko ng magising sa panaginip na 'to para lang makasama siya.


Naputol lang koneksyon ng aming mga mata na may nagsalita mula sa likuran ko. Nang lingonin ko kung sino? Isa palamg doktor ang nagmamay ari ng tinig na 'yon.


"Sila po 'yong tinutukoy Doc. Ramirez," sabi ng doktor na pumukaw samin. Ngumiti naman ako gano'n din si Porles.


"Ako nga pala Doc. Rada at siya naman si Do. Ramirez kami ang namumuo dito sa medical mission na 'to, at naparito kami upang personal na magpasalamat sa inyong dalawa," nakatinging sabi ni Doc. Rada at nakipagkamay samin ni Porles gano'n si Doc. Ramirez.



"Walang anuman po," nakangiting wika ko.


"Ano nga palang pangalam niyo?" Nakangiting tanong ni Doc. Ramirez.

"Ako si Porles Brex Tanguelo, at siya po ang aking mahal na kasintahan, Nixtry Noime Devaquel." Masaya at may kompyansang pagpapakilala samin ni Porles.


"Magkasintahan pala kayo, nakakatuwa naman dahil pareho may ginimtuang puso niyong dalawa nawa'y magtagal pa kayo." Natutuwang wika ni Doc. Rada.




"Hiling ko rin po 'yan," nakangiti sa'kin na sambit ni Porles.



"Doc. Rada at Doc. Ramirez, halina't magpicture tayo," tawag ng kapwa doktor nila.


"Sumama na rin kayong dalawa samin," paanyaya samin ni Doc. Ramirez na hindi namin tinanggihan pa dahil dagdag alaala para samin 'yon.


Nagpicture nga kami hindi lang isa kun'di maraming beses, iba't ibang angulo at post ang ginawa namin ng may kasama masasayang tawanan bagay na hindi ko makakalimutan.






-
-
-
-

A/N: Salamat sa pagbabasa at pagsuporta 441 reads thank you so much guys. Love you a lots guys and sorry if ngayon lang uli ang ud sobrang busy eh.

Follow me on twitter
@Peacefully_Eyes

Follow me instagram
@Peacefully_Eyes

Add me in Facebook
Tanny Cynne

Official hasgtag is #LoveIntoDream

Enjoy and free leave a vote and comment




Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon