Dream 30

21 4 0
                                    

Nixtry POV

Araw ngayon ng linggo at walang pasok sa opisina kaya tinanghali na ako ng gising, tanghali naman na talaga ang gising ko kapag walang pasok sa trabaho. Ngunit iba ngayon masyadong maganda at masarap sa pakiramdam ang mga nangyari panaginip namin. Parang napawi lahat ng kalungkutan ko dahil sa lubos na pangungulila sa kaniya.

Pakanta-kanta pa ako habang naliligo hanggang sa matapos ko ang routine na nakaugalian ko ng gawin tuwing umaaga. Bumaba na ko sa sala at nadatnan ko don si Mama na nanood ng TV.

"Good morning, Ma," nakangiting bati ko, hindi mapawi-pawi ang napakagandang ngiti ko. Alam kong napansin agad ni Mama.

"Good morning too, anak mukhang mas maganda pa sa umaaga ang mga ngiting 'yan," nakangiting aniya, hindi ko naman maitanggi dahil halata naman talaga.

"Kumain ka na? Ma," tanong ko, at tum.ango naman siya bilang sagot.

Dumiretso ako sa kusina para mag-agahan. Toccino, bacon and hotdog with fried ang kinain ko, pagkatapos ay bumalik ako sa sala para samahan si Mama na manood ng TV habang abala kami sa panonood ay biglang tumunog ang doorbell. Ayaw ko sana munang buksan dahil nakatutok talaga sa pinanood namin kaya lang ilang ulit na itong tumunog kaya wala akong nagawa kun'di pumunta sa gate at pagbukas ang kung sino mang istorbo na 'yon.

"Humanda lang talaga sa'kin ang hangal na istorbo na 'yon," iretable kong bulong habang tinutungo ang daan palabas.

Hindi ko pa nga tuluyang binubuksan ang pinto ng gate namin ay agad na pumasok sina Yunnie at Mara, mabuti na lang at nakaiwas ako para hindi naman ng pinto dahil palabag na pagtulak ni Mara.

"Kamshie," tuwang tuwa pang bungad sa'kin ni Yunnie, sinimangutan ko lang siya.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Siyempre ano pa nga ba? Makikain tsaka hindi ba maghahanap tayo ng gown para sa celebration ng konpaniya." Dirediretso silang pumasok sa loob habang ako ay nasapo ang sentido dahil nakalimutan ko talaga. Sumunod na rin ako sa kanila pagkatapos kong isara ang pinto.

"Tita, ano pong niluto?" Narinig ko pang tanong ni Yunnie habang papasok ako. Hindi ko napigilan ang pag-iling dahil para silang hindi kumakain sa kanila.

"Pang-almusal pa lang ang naluto ko," sagot ni Mama, bahagya naman napasimangot sina Yunnie at Mara.

"Mga bata talagang 'to," nakangiting sabi ni Mama sabay umiling.

"Tita, alam niyo naman pong pabirito namin ang mga luto niyo," nakasimangot pang saad ni Yunnie at tumabi kay Mama gano'n si Mara.

"O sige na magluluto na ko maya-maya lang," nakangiting aniya ni Mama.

"Hoy, kayong dalawa kahit kailan talaga," nakangising puna ko sa dalawa na mas lalo isiniksik ang mga sarili nila kaya Mama na para bang nagsusubong.

"Naku, Nixtry hindi pa nasanay," iilimg-iling na wika ni Mama.

"Tita, 'di po may mga kakilala kaying fashion designer," wika ni Mara at tumango naman si Mama.

"Kasi po Tita, may event po sa company at formal attire po ang required na suotin," sambit naman ni Yunnie.

"Bakit kaya hindi niyo na lang sabihin na nagpapatulong kayo sa paghahanap ng gown," apila ko dahil paligoy-ligoy pa 'tong dalawa.

"Ikaw nga nakalimutan mo 'yon," nakanguso pang aniya ni Yunnie.

Tinignan naman ako ni Mama ng may pagtataka dahil alam niyang kapag gano'ng event ay hindi ako mapakali sa kakaisip ng susuotin at ayos ko, kahit na nga kulay sa darili at paa ko ay pinaghahanda ko.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon