Dream 22

21 8 0
                                    

Nixtry POV

Nixtry POV
Nagpapasalamat ako ng malaki dahil ligtas siya walang anomang galos o sulat at kahit na may sugat ang kaliwang binti ko ay magkasama kami uli ngayon.
"Salamat at dumating ka pa rin," aniya ko.
"Lagi akong darating kapag kailangan mo ko,"  tugon nito.
Magkatabi kami ngayon sa bandang likod ng bangka habang magkahawak ang mga kamay namin. Tinapalan ni mang Pigo ang sugat ng malinis na damit para kahit papano ay tumigil ang pagdurogo at tumigil naman ito, pero may konting kirot pa rin akong nararamdaman pero kaya ko naman tiisin saka kasama ko naman ang mahal ko kaya parang ayos lang talaga ako.
"Salamat, dahil nandito tayo uli at magkasama," nasabi ko na lang at bahagyang pinisil ang kamay niya.
Hinalikan niya ako sa noo at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Magpahinga ka muna dahil medyo mahaba pa ang byahe natin pabalik," ani niya.
Gaya ng sinabi niya ipinikit ko muna ang mga mata ko at natulog sa balikat.
Nagising na lang ako ng marinig ko ang malambing na boses ni Porles na ginigising ako marahil ay nakarating na kami sa isla.
Napangiti na lang ako at nag-unat ng katawan,  nakalimutan ko na may sugat pala ko sa binti kaya sumakit ito muli.
"Ang sakit!" Napahawak ako sa binti ko.
"Kung makapag-unat ka kasi akala mo wala kang sugat,  'yan tuloy sumakit," sermon niya sa'kin.
"Tulungan mo na lang kaya." Napairap na lang ako.
"Tara na nga buhatin na kita." Binuhat niya ako katulad ng kanina.
"Ang bigat mo na,  bakit kanina hindi?" reklamo niya.
"Ibaba mo na lang kung nabibigitan ka na," masungit kong tugon.
"Talo ka kaagad kasi ang bilis mong mapikon." Nang-aasar ang ngjti na mas lalong kinainis ko.
"Nang-aasar ka ba? 'Di kasi nakakatuwa. Ibaba mo nga ko," naiinis kong sabi.
"Sungit mo ngayon eh binibiro ka lang naman."
"Nang-aasar kasi," pangatuwiran ko.
"Oo na,  Sorry na! Namiss lang kasi kita," pangatuwiran niya.
"Parang inaaway mo nga e'." Yumoko ako para kunwari ay nagtatapo ako sa kaniya.
"Uy,  sorry na!  'wag ka ng magtampo. I love you!" Ang sarap sa pandinig ng huling sinabi niya, nakagagaang ng pakiramdam. Tuluyan ng nawala ang inis ko sa kaniya.
"Ewan ko sayo!" Pinalo ko ang dibdib niya. "Sige na pinapatawad na kita," dugtong ko.
"'Yon oh,  I love you, my dear!" Malambing ang tinig niya, kaya tinignan ko siya ng may ngiti sabi.
"I love you too!" tugon ko.
Narinig namin pagtawag ni mang Pigo sa'min. "Nixtry,  Porles halina kayo para makapagpahinga na kayo at magamot na ang sugat mo, Nixtry."
Nagpatuloy na sa paglalakad si Porles habang ako ay buhat niya at nakahawak sa leeg niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya at hindi ko mapagkakailang ang gwapo niya kahit na ang pawis ay butil-butil ang gwapo pa rin, parang pang artista ang mukha niya, ewan ko ba bakit ngayon lang nakita na ganito pala siya kagwapo.
"Ehem ehem." Nakabalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang pekeng pag-ubo niya. May nakalolokong at mayabang na ngiti ang naukit ngayon sa labi niya.
"Alam ko namang pogi ako pero sana huwag mo pakatitigan baka kasi matunaw, ikaw rin baka mawalan ka ng gwapong boyfriend," mayabang na wika niya.
"Saan banda? Saka ang yabang mo naman," masungit kong sagot, para 'di mahalata na totoo ang sinasabi niya.
"Huli na kita, huli ka nang pagmamahal ko." nakangiti niyang sabi.
"Ay ewan ko sayo, ibaba mo nga ko." 'yon na lang ang nasabi ko dahil totoo naman na nahuli ako ng pagmamahal niya at gano'n din siya sa'kin.
Ibinaba niya ko sa mahabang upuan para nakapatong ng diretso ang binti ko. Nilapitan naman ako ng asawa ni mang Pigo na si aling Susan para linisin ag gamutin ang sugat ko.
Hindi ko maiwasang mapa-aray dahil masakit at makirot ang sugat habang ginagamoy ito ni aling Susan.
"Huwag mo munang ilakad ang kaliwang paa mo dahil mas lalong lalaki ang sugat mo," payo niya.  Tumango naman ako bilang pagsang-ayon at niligpit naman ni aling Susan ang pinag-gamitan niya.
"Salamat po ng marami aling Susan," pasasalamat ko bago siya umalis.
"Walang anunma iha," nakangiting ani ni aling Susan, na sinuklian ko naman ng isang magandang ngiti.
Nang makaalis na si aling Susan ay lumapit sa'kin si Porles.
"Okay ka lang ba? Nadinig ko kasi ang pagdaing mo kaya nag-alala ako sayo," ani niya.
"Okay na ko ngayon kanina kasi masakit siya habang ginagamot kaya 'di ko mapigilan ang mapadaing," sagot ko.
"Kain muna na tayo alam ko gutom ka na," pang-aaya niya.
"Sige, pero kaialangan mo ulit akong buhatin dahil bawal pa kong maglakad para 'di lumaki ang sugat ko," saad ko.
"Oo naman ikaw pa malakas ka sa'kin," nakangiti niyang tugon.
"Bolero ka talaga kahit kailan," natatawang wika ko.
"Totoo naman." Nagtatawanan kaming dalawa habang binuhat niya ko pero nakailang bwelo pa siya bago niya ko tuluyan dahil nawawalang siya ng balanse dulot ng pagtawa niya.
Nang makarating kami sa hapag kainan ay naghihintay na samin ang mag-asawa pati na ang mga kasama ni mang Pigo kaya agad akong ibinaba ni Porles sa tabi ni aling Susan at naupo naman siya agad sa katapat kong pwesto.
Humingi kami ng paumamhin sa kanila at nagpatiuna sa pagdadasal si mang Pigo. Nagsimula na kaming kumain katulad ng mga nauna naming nakain dito ay napakasarap pa rin ng pagkain kaya naparami ang pagkain ko.
"Salamat talaga mang Pigo at aling Susan sa lahat at sa masarap na pagkain. Pasensya na rin po kasi nakadagdag pa po kami sa obligasyon niyo lalo na po ngayon 'di ako makatutulong sainyo dahil may sugat ang kaliwang binti ko," mahabang lintaya ko.
"Ayos lang saka masaya kami na makatulong at nandito kayo, 'wag mo ng problemahin ang mga gawain dito kaya naman namin ito kahit pa wala kang sugat sa binti," nakangiti niyang tugon saka umalis.
Kahit papano ay napagaan ng ngiting 'yon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi wala kwenta at pabigat lang kami sa kanila kaya sobfa ang hiyang nararamdaman ko.
"Mabuti pa Porles ay dalhin mo si Nixtry sa tabing dagat ng malibang siya," narinig kong mungkahi ni mang Pigo.
"Sige po mang Pigo at maraming salamat po talaga," sinserong saad ni Porles.
"Ito pa 'wag kayong lalayo ng hindi kayo uli maaksidente," mahigpit na bilin ni mang Pigo. Tumango na lang kami bilang pagsang-ayon.
Habang naglalakad si Porles papuntang tabing dagat ay isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya upang pakinggan ang tibok ng puso niya. Hindi na ko nagulat sa lakas ng pagtibok ng puso niya at ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya, tila isang tono 'yon ng kanta na napakasarap sa pandinig at pakiramdam.
"Kahit ilang beses mo pa 'yang pakiramdaman at pakinggan ay iisa lang ang sinisigaw niya at walang iba kun'di ikaw." Hindi ko namalayan na huminto na pala si Porles sa paglalakad at pinagmamasdan na ako. Masyado ata akong nawili sa pakikinig sa dibdib niya.
"Alam ko na 'yon at masaya ako dahil nandito na naman tayo magkasama, I love you!" sinserong wika ko.
"I love you too so much!" Puno ng pagmamahal ang mata niya.
Inilapag ako ni Porles sa buhangin saka tumabi sa'kin at isinandal ang ulo ko sa balikat niya sabay namin pinanood ang mga alon na humahampas sa pangpang. Ang sarap talaga sa piling na kasama ang mahal ko, kahit dito lang. Mapait akong napangiti sa huli kong naisip.

A/N: Salamat sa pagbabasa guys at sorry for long no update hihi nagka writer block kasi ako eh😂

Follow me instagram
@Peacefully_Eyes

Add me in Facebook
Tanny Cynne

Join our Group page in Facebook
PeacefullyEyes Stories

Official hasgtag is #LoveIntoDream

Enjoy and free leave a vote and comment

Thank you....

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon