Dream 2

137 35 0
                                    

Third Person POV

Masakit ang ulo ni Nixtry at medyo umiikot din ang paningin niya subalit sinibukan pa rin nitong imulat ang mga mata niya upang alamin kung anong oras. Gano'n na lamang ang gulat kaya bahagya siyang napabalikwas at naging malinaw sa kanya paningin na ang kinaroroonan ay ang sariling silid niya.

"Paanong?" naguguluhang tanong niya sa sarili, biglang bumukas ang pintuan ng silid niya at iniluwa nito ang Mama niyang may dalang food tray.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?' tanong ng Mama niya at ipinatong sa ibabaw ng kanyang kama ang tray.

"Ma, paano po ako nakauwi at sino pong naghatid sa'kin dito?" naguguluhan niyang tanong.

"Hinatid ka dito ng mga kaibigan mo at basang-basa nga kayo ng ulan," sagot ng kaniyang Mama at hinipo ang noo at leeg niya upang tignan kung bumaba na ang lagnat niya.

"Gano'n po ba, wala po silang kasama lalaki na nagngangalang Porles kasi Mama siya po ang tumulong nung nawalan ako ng malay tao," paliwanag nito.

"Wala naman," sagot ng kanyang Mama.

Naguguluhan man ay kumain at uminom na lamang siya ng gamot. Tumayo na rin siya at nagtungo sa banyo para maghilamos at mag-ayos ng sarili. nang matapos siya ay lumabas na ito ng banyo.

"Kamusta na?" tanong ng makulit niyang kaibigan na si Mara katabi nito si Yunnie ang medyo may kapilyohan niyang kaibigan.

"Okay lang." Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas ng mukha.

"Mabuti naman kung gano'n, basang-basa ka kasi ng ulan kagabi," wika ni Mara.

"Nga pala kasama niyo ba si Porles maghatid sa'kin dito?" tanong niya na ipinagtaka naman ng dalawa.

"Sino naman iyon?" nagtatakang tanong ni Yunnie habang si Mara naman ay nakangisi sa kaniya.

"'Yong lalaking tumulong sa akin," tukoy nito kay Porles.

"Sa pagkakaalam namin wala kang boyfriend kaya sino naman 'yang tinutukoy mong Porles ha?" kuryusidad na tanong ni Mara.

"Ewan ko sa inyo." Laglag ang balikat nito. "Paano ako nakauwi dito?"

"Kasi hinatid ka namin dito," sabay na sagot ng dalawa.

Paano nga? Natanong niya na lang sa sarili.

"Teka! Pwede bang ikwento niyo sa'kin ang nangyari kahapon." Naupo si nixtry sa kama.

"Nagka-ammesia ka ba? Dahil naligo tayo ng ulan kagabi," may pag-aalala sa tinig ni Yunnie.

"Gaga!" sagot Nixtry.

"Nagsimba tayo kahapon at pagkalabas natin mula sa simbahan ay pumunta ka sa tapat ng wishing fountain at humuling ka do'n pero hindi mo sinabi samin ang hiniling mo kahit na kinulit ka na namin na sabihin 'yon, pagkatapos ay biglang umulan ng medyo malakas kaya naman nabasa tayo at nagpasya na maligo na rin." Mahabang kwento ni Mara.

"Oh, ngayon naalala mo na ba?" tanong ni Yunnie at tumango na lang si Nixtry sa kaibigan.

Pero sino si Porles? Naguguluhan na siya ngumit biglang sumagi sa isip niya na baka isa lang 'yong panaginip.

Pero mas naguguluhan at nagtataka siya kung bakit biglang umulan pagakatapos niya humiling sa wishing fountain, gayong maaliwalas naman ang kalangitan.

Bakit? Anong ibig sabihin no'n? Mga tanong na gumugulo sa isip niya.

Natigil lang siya sa pag-iisip na bigla nagsalita si Mara

"Ngayon sabihin mo sa'min, kung sino si Porles?" usisa nito.

"Siguro ay panaginip ko lang iyon." May bahid ng lungkot ang sagot niya 'yon. Dahil sa ideyang panaginip lang ang lahat ng 'yon.

Samantalang gumuhit naman sa mga labi nina Mara at Yunnie ang isang mapang-asar na ngiti.

"Ikaw ha! Baka may boyfriend ka na at hindi mo lang sinasabi sa'min," pang-aasar na wika ni Mara.

"Oo nga," pagsang-ayon naman ni Yunnie.

"Tigilan niyo nga ako tsaka wala kong boyfriend," pagtanggi nito.

"Weh?" nanunuyang wika ng dalawa. Napaikot na lang ang mga mata ni Nixtry dahil sa inakto ng mga kaibigan niya.

"Hoy! Kayong dalawa tumigil kayo d'yan. Malalaman niyo naman kung may boyfriend dahil unang una 'di ko pa siya nasasagot kinikilatis niyo na siyang parang kriminal tapos ngayon pinagbibintanga niyo ko," mahabang paliwanag nito. Na sinang-ayunan naman na dalawa.

---

Abalang-abala si Nixtry sa pagtatrabaho para sa paggawa ng financial statement at iba dahil kapag nagkamali siya ay maaring ikasira 'yon ng kompanyang pinapasukan niya. Kahit na may sakit ay pinilit pa rin niya ang pumasok sa trabaho para lang matapos ang  trabaho niya kailangan na kasi ito next week, tuwing quarterly ito ipinapasa para malaman kung tumaas ba o bumaba ang income ng kompanya. Isa kasi siyang accountant.

"Kain ka muna at uminom ng gamot." Napalingon siya upang hanapin kung sino ang nagsalita at nakita si Mara nakasandal sa pinto may bitbit na paper bag.

"Salamat sa pag-aabala kamshie." Ibig sabihin ay kambal beshie at tuluyan na nga pumasok si Mara.

"Welcome kamshie, kumain ka na," wika nito. Tumango lang si Nixtry at lumipat sa mini table sa bandang kaliwa niya. Napalagay sjya no'n para doon na lang siya kakain imbes na sa mismong mesa niya.

"Sabi ko naman sayo, 'wag ka na munang pumasok at magpagaling ka muna," may pag-aalalang saad ni Mara.

"Okay nga lang ako tsaka kailangan kong taposin ang trabaho ko dahil kailangan na 'yon," pangangatuwiran niya naman.

"Tapos na ba ang trabaho mo at kinukulit mo na ako dito?" tanong niya pagkatapos nguyain ang pagkain.

"Wala na, tapos na kasi ang meeting namin para sa marketing strategies na plano namin," sagot nito. Sa Marketing Department kasi ito samantalang sa design department naman si Yunnie iisang kompanya lang ang pinagta-trabahuan nila at isa taon pa lamang silang nagtatrabaho dito.

Matapos kumain ni Nixtry ay uminom muna ito ng gamot bago nagsimulang magtrabaho ulit, umalis na rin si Mara dahil may pupuntahan daw ito pero sinabi siya nito na susunduin siya ng dalawa niyang kaibigan mamaya.

Nagpasiya si Nixtry na buksan na lang tapusin ang trabaho niya at tinext niya si Yunnie na uuwi na siya.

"Ang tagal niyo naman," reklamo ni Nixtry sa dalawa niyang kaibigan.

"Eto kasing si Yunnie nahihiyang iwan ang manliligaw niyang si Crab," medyo may inis na wika ni Mara.

"Craft po iyon at hindi Crab," pagtatama naman ni Yunnie. Si Craft ay matiyagang manliligaw ni Yunnie nasa mga limang buwan na rin siyang nililiwagan nito pero hindi namin alam kung bakit hindi pa ito sinasagot ni Yunnie.

Napaikot naman ang mata ni Mara at ipinulupot ang braso niya sa braso ni Nixtry gano'n din ang ginawa ni Yunnie sa kaliwang braso naman siya.

"Samantalang ka-date niya rin naman ang manliligaw niya," pagpaparinig ni Yunnie.

Natawa na lang di Nixtry dahil parang mga batang nagkatampuhan ang mga kaibigan niya.

"Kayong dalawa kapag 'di kayo tumigil pag-uuntugin ko kayo," suway ni Nixtry sa dalawa.

"Pareho naman kayong late at nakipag-date," dugtong pa ni Nixtry.

Natawa na lang ang dalawa ng mapagtanto nilang para silang mga isip bata.

---

Tweet me
@Peacefully_Eyes

Follow me instagram
@Peacefully_Eyes

Add me in Facebook
Tanny Cynne

Official hasgtag is #LoveIntoDream

Enjoy and free leave a vote and comment

Thank you....

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon