Dream 3

93 32 6
                                    

Third Person POV

"Jorwan at Gredie." Nag-alalangan si Porles kung sasabihin o tatanungin niya mga ito patungkol kay Nixtry. Nakatambay kasi sila sa harapan ng tindahan ni aling Susan.

"Ano 'yon?" tanong ni Jorwan pero dahil nag-alalangan nga siya ay medyo natagalan ang pagsagot niya rito. Dahil baka gaya ng reaksyon ng kaniyang Nanay ay gano'n rin maging reaksyon ng mga ito.

"Pors, tulala ka ata d'yan?" puna ni Gredie sa kaniya.

"Hindi ah, may iniisip lang," tugon niya at kumain ng sitsirya.

"Ano naman 'yon?" kuryusidad na tanong ni Jorwan, napabuntong hininga muna si Porles bago sumagot.

"Kilala niyo ba si Nixtry?" Nagkakatitigan muna ang dalawa bago sabay ng umiling.

'Siguro nga ay panaginip lang ang lahat' malungkot na sabi niya sa isip niya.

Naguguluhan din siya kung bakit malungkot siya basta ang alam niya lang malungkot siya na tila may kulang sa kanya.

"Tulala!" Nakabalik lang sa reyaliadad ng dahil sa sigaw ni Jorwan sa tainga niya at sa tuwing gagawin 'yon sa kaniyang kaibigan ay may kasunod na itong batok mula sa kaniya pero ngayon parang wala lang sa kaniya iyon.

"May bumabagabag ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Gredie. Alam nila kapag may problema si Porles tulala, wala sa sarili at hindi mo makakausap ng maayos parang katulad na lamang ngayon.

"Wala naman," sagot ni Porles tsaka pilit na ngumiti at kumain. Hindi na nangulit ang dalawa na sabihin ni Porles ang dinadamdam nito dahil alam nilang kusa itong maglalabas ng saloobin kapag 'di niya na kayang itago pa.

"Alam niyo napagalitan na naman ako kanina ni Ma'am," kwento ni Gredie na nakasimangot. Napailing na lang ang dalawa dahil simula't sapul na nagtrabaho ito lagi na lang siyang napapagalitan ng kanyang Ma'am sa trabaho.

"Bakit naman?"  sabay na tanong ni Porles at Jorwan pero nagkibit balikat lang si Gredie dahit kahit siya 'di niya masasagot ang tanong na iyon.

"May malaking galit ata sa mundo 'yang boss mo at ikaw ang laging napagbubuntungan," bulalas ni Porles naka-cross arm. Napatango na lang si Gredie.

"Baka kasi may gusto lang sayo 'yang Ma'am mo." Nakakalolokong ngumiti si Jorwan.

"Baka nga," segunda ni Porles at inakbayan pa si Gredie. Hindi naman sa ayaw niya sa ideyang iyon pero bakit sa ganoong paraan.

Nagkwentuhan pa sila ng kung anu-anong bagay patungkol sa mga pang araw-araw na buhay nila at hindi rin nila mapigilan na asarin si Gredie sa Ma'am niya na baka gano'n lang daw ito dahil may gusto sa kanya.

---

"Ma, ako na po ang manghuhugas," wika ni Porles na katatapos lamang nilang kumain ng hapunan.

"Hindi na, ako na baka may gagawin ka pa," pagtutol ng Mama niya. Isang kasi siyang Architecture kaya madalas wala na siyang oras tumulong sa gawaing bahay dahil kapag 'di niya natatapos sa opisina ang pagguhit ng mga designs at styles ng mga proyekto ay sa bahay niya ito itinutuloy kaya naman gano'n na lamang ang pagtutol ng Mama niya.

Pagkatapos niyang maghugas ay pumahik na ito sa sarili niyang kwarto. Nakahiga at nakatingin lang siya sa kisame at hindi pa rin mawala-wala sa isip niya si Nixtry.

---

Naglalakad sa isang parke si Nixtry pero 'di niya kung nasaan siya bukod sa wala siyang kasama ay 'di niya rin alam kung bakit siya nandoon.

Pinasadahan niya ng tingin ang buong lugar. Mayroong isang malaking fountain pinakagitna ng parke kung saan nababasa ang mga taong dadaan sa paligid nito sa malakas na tubig na ibinubuga ng fountain. Sa bandang kanan naman niya ay makikita ang mga naba-bike mapabata o mapamatanda, marami ring nagkalat ng bench sa parke at hindi rin mawawala sa paningin niya ang mga magkasintahan na namamasyal at nagde-date.

"Nasaan ba ako?" naisatinig na lamang niya at nagsimulang maglakad para magtanong kung anong lugar ito.

"Excuse me po, maari po bang magtanong kung anong lugar ito?" tanong niya sa isang babaeng nagtitinda pero ng sasagutin na siya nito ay tsaka naman dumating ang maraming mabibili kaya 'di na siya nasagot ng babae dahil naging abala ito sa pagbilhan ang mga bumibili.

Kaya nagpasiya na sa iba na lang magtanong muli siyang naglakad papunta banda sa fountain at nagtanong pero 'di niya maintindahan ang sagot, nagtanong siya uli pero 'di niya talaga maintindahan ang sagot ng mga ito.

Napailing na lamang siya at naglakad uli papunta sa isang bench na walang nakaupo at doon siya nag-isip kung bakit 'di niya maintindihan ang mga sagot ng mga pinagtanungan niya. Hindi naman barado ang tainga niya dahil naririnig ang mga pag-uusap ng mga tao sa paligid.

Sa kabilang banda ay naroroon din si Porles na katulad ni Nixtry ay nagtatanong sa mga tao kung anong lugar iyon, pero gaya ng kay Nixtry ay 'di rin niya maintidihan ang mga sagot nito.

Napailing na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad malapit sa fountain. Napapikit siya ng maraming beses dahil hindi niya lubos maisip na makikita niya ang babaeng bumabaganag sa isip niya, nakaupo ito sa isang bench at tila malalim ang iniisip. Naisip niyang gulatin ito.

"Hoy!" medyo malakas na sigaw niya sa tainga ni Nixtry na ikinagulat naman ng dalaga at napatayo pa sa gulat.

"Ay! Palaka!" Napatingin naman ang tao sa paligid dahil sa lakas ng boses ni Nixtry at 'di naman mapigilan ni Porles ang matawa dahil masyadong magugulatin ang dalaga.

"Ikaw?" gulat na tanong ni Nixtry at natatawang tumango si Porles. Hinampas naman ito ni Nixtry bilang ganti sa panggugulat nito sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nixtry at muling umupo sa bench.

"Namamasyal," sarkastikong sagot ni Porles na ikinataas naman ng kanang kilay ni Nixtry.

"Malamang parke 'to," sarkastikong wika ni Nixtry at napailing na lamang ang binata sa naging turan ng dalaga.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa rito," seryosong wika ni Porles napatingin naman ang dalaga sa kaniya.

"Ako rin," komento ni Nixtry.

"Nagtanong rin ako kung anong lugar 'to pero hindi ko maintindihan ang mga sagot nila," wika pa ni Porles na sinang-ayunan naman ng dalaga dahil maging siya ay hindi alam kung bakit 'di nila ito maunawaan.

"Pero maganda ang lugar na ito," komento ni Nixtry na nakatingin sa fountain.

"Oo nga," tugon ni Porles, subalit sa mukha siya ni Nixtry nakatingin. Hindi niya lubos na maunawaan kung bakit? Pero masarap sa pakiramdaman niya.

"May dumi ba ako sa mukha?" puna ni Nixtry at nag-iwas tingin naman si Porles.

Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit nakakaganito ako?  Natanong ni Porles sa isip niya.

"Wala naman," sagot niya. "Mamasyal na nga tayo," mungkahi ni Porles na agad naman sinang-ayunan ni Nixtry.

---

A/N: wala pong specific na lugar ang storyang ito.

Tweet me
@Peacefully_Eyes

Follow me instagram
@Peacefully_Eyes

Add me in Facebook
Tanny Cynne

Follow me on wattpad

Official hasgtag is #LoveIntoDream

Enjoy and free leave a vote and comment

I love ya.

Thank you....

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon