Dream 36

3 1 0
                                    

A/N:  GUYS PLEASE TO ANY TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR OF THIS CHAPTERS PLEASE COMMENT INLINE TO HELP ME PLEASE, THANK YOU SO MUCH.

Porles POV

Everything was a mess, but questionable to me? Or mabye I don't want to accept that is part of our love story.

After ng nangyari sa bar mas lalo akong nawala sa sarili, para lang mahanap o makita man lang siya. Nag-file ako ng leave for two week at ito ang unang araw ng dalawang linggo 'yon. Nagpaalam din ako kay Mama na magtatravel muna ko kung saan-saan para makapag-isip at makapagrelax, kahit hindi naman talaga 'yon ang totoong dahilan.

Narito ako ngayon sa'king kwarto upang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko, habang si Mama naman naghahanda ng pagkan kakainin ko at dadalhin sa biyahe para hindi ako malipasan ng gutom.

"Kuya, sabi mo magbonding tayo, kaya bakit aalis ka?" nakasimangot na wika ng kapatid ko na kadarating lang at sumandal sa gilid ng pintuan nitong kwarto.

Tipid akong napangiti habang inaayos ang salansan ng mga damit sa maleta ko. "Sorry! Bunso sa susumod na lang, may kailangan lang talaga kong gawin," saad ko, tsaka nakangiting tinignan siya para maniwala siya.

0 ml ito sa'kin at tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ko at ilagay sa maleta.

"Kuya, pwedeng malaman kung ano 'yong kailangan mong gawin?" Napatingin naman ako sa kaniya, pero halata sa mukha niya ang kuryusisdad.

"Magbabakasyon nga," natatawa kong sambit para tuluyan na siyang maniwala. Tipid naman siyang napangiti tsaka napailing na para bang hindi siya naniniwala sa dahilan ko.

"Ano 'yan? Bakit umiiling ka pa?" Pagbibiro ko. Mahina ko siyang hinampas ng damit sa kanang braso niya.

"Magsaya ka sa sinasabi mong bakasyon kuya, at sana mahanap mo kung ano man ang hinahanap mo." Dahil sa sinabi niyang 'yon napangiti ako kasi alam kong naiintindihan niya ko. Ginulo ko ang nakaayos niyang buhok bilang pasasalamat sa pagsuporta sa'kin.

"Hayts kuya naman," asik niya, saka tinanggal ang kamay ko sa ulo niya.

Pagkatapos namin mag-ayos ng mga dadalhin ko ay natungo kami sa kusina upang guluhin si Mama sa pagluluto. Pagpasok pa lang sa bukana ng kusina ay maamoy na ang marasap na amoy ng sinigang na baboy, talaga namang nakagugutom.

"Ang bango naman po niya," bulalas ni Wevi habang umaaktong sumisingot para malanghap ang amoy ng sinigang.

"Oo nga po Ma, baka matagalan uli akong matikman ang luto mo Mama," gilalas ko, habang nakatingin sa niluluto niya.

"Ikaw na talaga na bata ka. Kailan ba ang balik mo?" tanong ni Mama.

"Hanggang sa mahanap na po ni kuya ang true love niya," natatawang singit ng kapatid ko. Kaya pumunta ako sa likod para kunwari siyang sakalin gamit ang braso ko.

"Aba'y loko kang bata ka ah," natatawa asik ko.

"Hindi ba totoo naman," protesta niya habang pilit na tinatanggal ang nakapulupot kong braso sa leeg niya.

"Hoy! Wevi, puro kalokohan ata ang mga inaatupag mo." Ikiniskis ang aking kamao sa kaniyang ulo pagkatapos ay binitawan siya. Natago ako sa likod ni Mama para hindi niya ko magantihan.

"Kayong dalawa magsitigil kayo, kita niyong nagluluto ako." Inamba pa ni Mama ang hawak niyang sandok samin.

"Ma, si kuya naman ang nauna," nakabusangot na protesta ng kapatid ko.

Binilatan ko siya. "Ikaw kasi ang dami mong sinasabi," pang-aasar ko pa. Gumuhit naman ang asar sa kaniyang mukha.

"Kuya sana hindi mo makita ang dahilan ng pag-alis mo," nakangising sambit niya.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon