Dream 20

28 6 0
                                    

A/N:  GUYS PLEASE TO ANY TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR OF THIS CHAPTERS PLEASE COMMENT INLINE TO HELP ME PLEASE, THANK YOU SO MUCH.

#HELPME

Porles POV

"Nixtry! Nasa'n ka na?" malakas na palahaw habang kasabay ng malakas na ulan ang pagpatak ng mga luha ko.

Naramdaman kong may tumampal sa pisngi ko kaya napamulat ako at agad kong nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Mama.

"Ayos ka bang? Anak!" nag-aalalang tanong nito at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Napayakap na lang ako kay Mama at napahagulgol ng iyak sa balikat niya.

"Ma, si Nixtry baka anong mangyari sa kaniya!" umiiyak na daing ko, hinaplos naman ni Mama ang likod ko para pagaangin ang loob ko.

"Ano bang nangyayari sayo? Sino ba si Nixtry na kanina mo pa binabanggit?" nag-aalalang tanong niya.

Pero sa halip na sagutin ko siya ay umiyak ako ng umiyak sa balikat niya habang paulit ulit na binabanggit ang pangalan ni Nixtry ang babaeng mahal ko na hindi ko man lang nagawang matulungan para makaligtas siya.

Nang mahimasmasan na ako ng konti ay humiwalay na ako ng yakap kay Mama at parang bata na pinunasan ko ang aking mukha habang humihikbi pa rin.

"Ma, Sorry kung para akong bata na humahagugol sa harap niyo ngayon," sumisingot na sabi ko.

"Sino ba si Nixtry?" pag-uusisa ni Mama.

"Alam ko pong hindi kayo maniniwala, Ma pero si Nixtry... Si Nixtry ay ang babaeng mahal ko, Ma." Naiiyak na saad ko.

"Bakit hindi mo siya ipakilala sa'kin kung gano'n?" Nagtatakang tanong ni Mama.

"Ma, alam kong imposible 'to pero Ma, sa panaginip ko lang siya nakikita at nakakasama, hindi ko rin alam kung bakit sa panaginip lang Ma," umiiling habang umiiyak na saad ko.

"Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo o hindi! Pero Anak nandito lang ako handang gumabay sayo, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita nawa'y maging maayos ka na, Anak ko." Sinsero pahayag ni Mama habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mata ko.

Tumango lang ako. "Salamat, Ma."

Lumabas na si Mama ng kwarto. Habang naliligo ako ay hindi ko maalis ang pag-aalala ko hanggang nasa harap na ko ng hapag kainan. Ang daming tanong na pumasok sa isip ko katulad ng.. "Paano kung hindi siya nagising? Katulad ng nangyari samin. Paano kung may masama ng nangyari sa kaniya do'n? Hindi ko na talaga alam ang gagawin at mababaliw na ko sa kaiisip pero wala naman akong magawa.

Nagising lang ang diwa at isip ko ng tapikin ni Mama ang balikat ko.

"Anak, kanina ka tulala d'yan, kumain ka na  at baka mahulo ka pa sa pagpasok sa trabaho mo." Alam kong nag-aalala si Mama pero hindi niya lang 'yon pinahahalata.

"Ma, alis na po," sabi ko dabay tayo at hinalikan siya sa pisngi, hindi niya na rin ako pinilit na kumain kahit na niisa sa pagaking nasa mesa ay wala akong kinain.

Hanggang sa makarating ako sa trabaho ay  nakatulala lang ako, nagpapasalamat nga ako at walang nangyari masama sa'kin habang papunta dito dahil wala talaga ako sa katinuan ngayon. Pati nga ang mga bumati sa'kin na katrabaho ko ay walang natanggap na pagbati din mula sa'kin.

"Tulala!" Bahagya akong nagulat sa medyo malakas na Gredie.

"Ano bang problema mo?" Nag-aalalang tanong ni Jorwan.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon