Dream 10

60 24 0
                                    


Porles POV

Nakangiti kong pinagmamasdan ang napakagandang tanawin na nakikita ng dalawang mata ko, walang ibang kun'di ang mala-anghel na mukha ni Nixtry at ang walang kasing tamis na ngiti niya na nagdudulot ng masayang pakiramdam sa loob ko. 'Yon bang parang may kumikiliti sa loob ng tiyan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nakikipagkarera pero hindi naman.

"Sayang wala tayong camera o kahit cellphone man lang na dala para makapag-picture tayo dito," medyo dismayadong wika ni Nixtry.

"Ayos lang saka mas mahalaga pa rin ang mga alaalang nabubuo kaysa sa mga kuhang larawan," nakatinging tugon ko at huminto para tignan ang napakagandang dagat na may maraming taong nagkakasiyahan sa paglangoy, pagtatampisaw at paglalaro sa tubig.

"Sabagay tama ka," nakatingin saad niya.

"Halika ka na at simulan na nating bumuo ng masasayang alaala," nakangiting aniya ko.

Muli na kaming nagsimulang paglakad at pinagmasdan ang ganda ng paligid kasabay ng mga nasasayang tao.

"Bakit kaya ang dami tao banda roon?" Turo ni Nixtry sa mga taong nagkukumpulan sa bandang gawing kanan, habang papunta kami sa lugar na 'yon ay unti-unting naging malinaw sa'kin kung bakit maraming tao doon.

May nakaset na stage sa gitna ng lugar, sigurado akong may gaganaping event mamaya kaya may ganyan.

"Ano pong meron?" tanong ko do'n sa parang stuff ata nila dahil kapareho nila ng kulay ng damit.

"May inihandang kaming games para sa mga turista at bakasyonista nandito ngayon at ang mananalong couple ay may malupit na dinner date mamayang gabi," pahayag ng lalaking stuff na pagtanongan ko.

"Hanggang ilang couple ba ang pwedeng sumali?" muling tanong ko.

"Sampu po, sir," sagot nito.

"Kumpleto na ba 'yong sampung couple na hinahanap niyo?" muling tanong ko.

"Hindi pa, sir. Bakit sasali po ba kayo?" nakangiting tanong niya.

"Oo, saan ba magpapalista?" nakangiting tanong ko.

"Sumunod po kayo sa'kin, Sir." Pero bago ako sumunod sa kaniya ay nagpaalam muna ako kay NiXtry tsaka ako sumunod do'n sa stuff hanggang sa makarating kami sa gilid ng stage kung saan hindi magkadaugaga ang mga stuff nila sa pag-aayos ng naturang entablado.

"Mama may gusto kong sumali sa nakapa-gandang palaro mo," masaya wika ng akala kong lalaking stuff ay bakla sa organizer ata ng event.

"Naku! Napakagandang lalaki naman nito," malanding sabi no'ng tinatawag na mama.

Ngumiti na lang ako dahil nakakahiya.

"Anong pangalan mo iho? At sinong kapareha mo?" magkasunod na tanong ng organizer.

"Porles po at kapareha ko namam ay si Nixtry ang nililigawan ko," nakangiting sagot ko.

"Kaya naman pala gustong sumali dahil may nililigawan pala," kaswal na tugon ng pinagtanungan ko kanina.

"Jep, ikaw ng bahala d'yan," wika ng organizer at tinignan ako mula ulo hanggang talampakan tsaka umalis.

"Dito tayo gwapong ginoo," malanding sabi ni Jep, saka umupo at may isinulat sa papel.

"Isulat mo dito ang pangalan niyong dalawa ng kapareha mo," sabi ni Jep na ginawa ko naman, pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kaniya at binalikan si Nixtry na nag-eenjoy sa pakikipag-usap sa batang babae na katabi lang ang Mommy nito.

"Nixtry," tawag pansin ko rito na agad namang lumingon sa gawi ko.

"Saan ka galing," tanong niya.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon