Dream 34

8 1 0
                                    

A/N:  GUYS PLEASE TO ANY TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR OF THIS CHAPTERS PLEASE COMMENT INLINE TO HELP ME PLEASE, THANK YOU SO MUCH.

#HELPME

Porles POV

Lulan ako ngayong ng isang pampasaherong bus pauwi sa lugar namin. Nagdesisyon akong umuwi mag-isa dahil hindi ko alam kung anong mujha ang ihaharap ko kay Mr. Fate, alam kong sobra ko siyang na disappoint dahil sobrang laki ng tiwala niya sa'kin.

Nakusot ko ang aking mukha pagkatapos ay napabuntong hininga ng malalim dahil sa sobrang inis at pagkadismaya sa sarili. Ang alam ko ay nandoon lang 'yong blueprint kahapon ng umaaga pagkatapos ay tinignan ko pa ito kahapon ng hapon para makasiguro ay inuwi ko pa, kaya paanong napalitan ang laman at saan naman napunta ang totoong blueprint.

Muli akong napabuntong hininga at nagulo ang aking buhok sa sobrang sama ng loob ko sa nangyari, pakiramdam ko ipinahiyabko ang sarili sa harap nila at nabaliwala ko ang pagtitiwalang ibinigay sa'kin ni Mr. Fate.

Ayoko ko man ng ganitong pakiramdam ay nangyari ang lahat at siguro parte ito ng buhay naming dalawa ni Nixtry.

Hindi ko namalayan nakatulogan ko na pala ang pag-iisip ng kung anu-ano, dahil nagising na lang ako sa pagtapik ng kondoktorbng bus sa balikat ko.

Nang makababa ako ng bus ay tinawag ko Jorwan ayaing lumabas at uminom sa isang maingay na lugar kung saan kadalasan kaming pumupunta para magsaya o gumimik.

"Sabihan mo na lang si Gredie." Binaba ko na ang cellphone tsaka sumakay ng triicycle patungo ng bar kung saan kami laging pumupunta.

Sa labas pa lang ay rinig na ang ingay ng rock music mula sa loob pati na ang mga hiyawan ng mga tao sa loob. Nakabibingi ang ingay mg magakapasok na ako at hindi ka rin makadaan ng maayos dahil sobrang siksikan ang mga tao dahil sa kasasayaw at mga naglaladian.

Hindi naman ito high class bar kaya ganito pero maayos din naman ang accommodation dito kaya lang hindi  madyadong kontrolado ang mga tao, kaya kung minsan nagkakaroon ng mga pambabastos at iba.
Nang makarating ako sa secong floor nitong bar ay nagnap ako agad ng bakanteng pwesto at nakakita ako, pangatlo mula sa dulong pwesto. Hindi na  din masaya kung pag-iinom at pagmamasid lang sa iba ang ipinunta mo. Sumenyas ako upang matawag ang pansin ng waiter, at agad naman itong lumapit sa'kin.

"Good evening po sir, ano pong sa inyo?" Magalang na saad niya.

"Isang case ng beer at pork steak," sabi ko.

"Okay po sir, maghintay na lang po kayo." Umalis na ito habang ako naiwang nakatingin sa kung saan at hindi tumitigil ang aking utak sa pag-iisip at pagtatanong kung bakit?

Bakit ngayon pa kung kailan abot kamay ko na ang mga pangarap ko?

Bakit kailangan mawala ng isa? Kung pwede mo naman itong parehas na makuha.

Bakit hindi pa rin kami nagkikita ni Nixtry sa panaginip?

"Bakit?!" Naisantinig ko na lang habang nakasambunot sa sariling buhok.

"Pors, okay ka lang?" Napa-angat ako ng tingin sa humawak sa balikat ko at sa nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon