Dream 15

39 20 0
                                    


A/N:  GUYS PLEASE TO ANY TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR OF THIS CHAPTERS PLEASE COMMENT INLINE TO HELP ME PLEASE, THANK YOU SO MUCH.

#HELPME

-
-
-

Porles POV

Malangkot at dismayado akong buma-ngon at naligo dahil hindi ko napagini-pan si Nixtry, 'yon pa naman sana ang unang beses na magkikita kami bilang magkasintahan at bukod do'n miss na miss ko na siya.

Madaling araw na rin ng makarating kami dito sa bicol kaya diretso tulog na rin kami at nagpapasalamat amo dahil hindi na masyadong dumikit sa'kin si Hannes, ang sakit din ng balikat at braso ko dahil sa pagkakasandal at pagkakayakap niya.

Lumabas na ako ng kwarto kasabay ng paglapat ng pinto ay lumabas na din si Hannes sa kwarto niyang kaharap lang nung akin. Nginitian niya ko agad kaya gumanti din ako ng ngiti dito.

"Sabay na tayong bumaba," nakangiting sabi nito at pinulupot agad ang sa braso biya sa bisig ko.

"Pwede naman tayong magsabay ng hindi ka nakaganyan," tukoy ko sa braso niya at dahan dahan tinanggal ang nakapulopot ng braso niya sa bisig ko.

Maglalakad na sana kami ng lumabas si mr. Fate sa katabing kwarto. Ngumiti agad ito samin.

"Good morning, sir." Nakangiting bati ko.

"Good morning too to the both of you," nakangiti ding aniya nito. Si hannes naman ay lumapit sa dad niya para halikan sa pisni ito.

Sabay sabay kami bumaba sa lobby ng hotel na pansamantala naming tutuluyan habang nandito pa kami, sinalubong kami ng isang may katan-daan na lalaki na siyang umasikaso samin.

"Salamat mang Pidel, halina't sumabay ka samin kumain." Nakangiting anyaya ni mr. Fate na hindi naman tinutulan ni mang Pidel.

"Ang sarap naman nitong bicol express," nakangiting papuri ko.

"Naku! Sinabi mo pa! Ito kaya ang pinakamasarap na pagkain dito sa bicol lalo na kapag luto ni mang Pidel," nakangiting papuri din ni mr. Fate.

"Naku! Ito pa nga lang masarap na. Paano pa kaya kapag natikman ko na ang berson mo mang Pidel," nakangiting pa rin wika ko.

"Salamat sa papuri iho, pero pangako lulutuan kita sa bago kayong bumalik ng pampangga," nakangiting sabi nito.

"Aasahan ko 'yan, mang Pidel." Sabi ko at itinuloy ang pagkain namin habang masayang nagkukwentuhan.

Nandito na kami ngayon sa lugar kung saan magpapatayo ng bahay si mr. Fate at masasabi kong napakagandang ng lugar na ito dahil sa luntiang at patag na lupain ito na may mga puno sa 'di kalayuan at napakasariwa ng hangin na ang sarap langhapin at nakakatanggal ng stress ang ganda ng tanawin na nakikita ko.

Sumagi sa isip ko si Nixtry dahil sa ganitong kagandang lugar kami huling nagkita, kahit isang gabi ko pa lang siyang hindi nakikita ay miss na miss ko  na siya sobra.

Natinag ako sa pagkakatulala ng mahinang tapikin ni mr. Fate ang balikat ko.

"Mukhang ang lalim ng iniisip natin a?" Tanong nito na nasa sa malayo ang tingin.

"Naiisip ko lang ang babaeng mahal ko dahil miss ko na siya," saad ko habang nakatingin din kung saan siya nakatingin.

"Bakit hindi mo tagawan," mungkahi ni mr. Fate.

"Wala kong number niya," mahinang natawa si mr. Fate sa sagot ko.

"Mahal pero wala kang numero," nakangiting wika niya.

"Nakalimutan hingin," nakakamot batok kong sagot habang natatawa sa sarili ko.

"Sabagay ako nga dati may numero niya pero 'di ko naman siya matawagan," mapaklang ngumiti si mr. Fate

"Baka mali naman ang numero kaya hindi mo matawagan, sir." Tugon ko.

"Sana nga mali lang pero hindi," nabitin ako sa naging sagot niya.

"Pero hindi?" Lag uusisa ko.

Pero imbis na sagutin niya ako ay mapaklang tumawa si mr. Fate.

"Because of frolicsome Fate!" Malungkot na wika ni mr. Fate at kita sa mga mata niya ang lungkot at panghi-hinayang kaya hindi na lang ako nag-tanong pa at nanatiling tahimik ang paligid naming dalawa hanggang sa humugot siya ng malalim ng hininga.

"Dalawang tao na nasa magkalayong lugar ang nagtagpo sa hindi inaa-asahang lugar at paraan," makabulu-hang wika niya. Hindi ko man alam kung anong nangyari sa buhay pag ibig ni mr. Fate ay naiintindihan ko naman siya.

"Pero kahit kailan ang dalawang taong 'yon ay hindi pwedeng magkita," muling makabuluhang saad nito, muli na naman akong nilito dahil sa mga sinabi niya ngayon pero na natili akong tahimik at hindi nagtanong pa dahil ramdam ko ang sakit na nasa puso at lungkot nga mga mata niya.


"Lumipas man ang mga taong pero mahal na mahal na mahal ko pa rin siya dahil nakaukit na sa puso ko ang pag ibig sa kaniya pati na pag ibig niya," kita ko ang lungkot at namumuong luha sa mga mata ni mr. Fate.

"I really wanted to see her, hear her beautiful voice that's music in my ear even just a one night!" Malungkot na malungkot na wika niya habang isa-isang pumatak ang mga nag uunahang luha ni mr. Fate.

Hinawakan ko ang balikat niya bilang pagdamay sa kaniya. Hindi akong makapaniawalang ang isang matikas at malaku, magandang lalaki, at mukahng masungit ay umiiyak ngayon sa harap ko dahil sa mahal niyang babae.

Hindi ko alam kung aning sasabihin at gagawin ko para mapagaan ang loob niya kaya ito nanatili lang ako natayo at nakahawak sa balikat niya hanggang sa tumahan at tumigil na ito sa pag iyak, kinuha niya ang panyo niya sisingot singot na pinunasan ang mukha niya pagkatapos ay suminga.



"Sorry, Porles nadala lang ako sa emosyon ko at sobrang pagkamiss ko sa kaniya."paghingin niya ng tawad sa'kin.

"Okay lang, sir saka ganyan talaga tayong mga tunay na lalaki umiiyak dahil sa pag ibig," nakangiting wika ko.

"Salamat," nakangiti ng wika ni mr. Fate.

"Walang anuman, sir,"



"Ipapasyal muna kita sa kabuan nitong lugar ng makita mo kung gaano pa kaganda at kabighani ito," nakangiting sabi ni mr. Fate na sinang ayunan ko naman, maglalakad na sana kamk ng biglang dumating si Hannes dahil sasama na lang daw siya kesa maburyong doon sa hotel.

"Pwede bang payunga mo ko," pakiusap niya dahil maiinit at tirik na ang araw.

"Hannes hindi mo katulong si Porles," suway ni mr. Fate sa kaniya.

"Favor lang naman Dad," panganga-tuwiran nito. Kaya para hindi na sila magtalo mag ama ay kinuha ko na lang ang payong para payonga siya pero hindi pa siya nakuntento dahil ikinawit niya pa ang braso niya sa bisig ko na hinayaan ko na lang para walang gulo.



-
-
-
Itutuloy....
-
-
-
A/N: salamat sa 262 reads at 148 votes guyd thanks a lots, sana ay patuloy niyo pa rin suportahan ang LID thanks.

Follow me on twitter
@Peacefully_Eyes

Follow me instagram
@Peacefully_Eyes

Add me in Facebook
Tanny Cynne

Official hasgtag is #LoveIntoDream

Enjoy and free leave a vote and comment

Thank you....


Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon