Dream 24

32 4 0
                                    

Nixtry POV

'Sa lugar kung saan baka saling mapa-ibig kita'.

Ang mga katagamg 'yon ay paulit ulit na naglalaro sa isip ko ngayon,may mga lugar nga ba na maari mong mapa-ibig ang isang tao? Isang tanong na ngayon lang pumasok sa isipan ko. Ni-wala kong alam na pangalan ng kahit isang lugar kung saan kami dinala ng mga panaginip naming. Kaya meron nga bang lugar kung ssan pwede mong mapa-ibig ang isang tao.

Alam ko sa sarili ko na kahit saan ako dalhin ng lalaking katabi ko at nagmamneho ng sasakyang 'to. Hindi niya mapapalitan kung sin ang lalaking mnamahal ko.

"Mr, Hauso, paano kung pagkatappos ng araw n ito ay wala pa rin akong maramdaman na pagibig para sa'yo. Lalayuan mo na ba ako?"

Huminto siya sa pagmamaneho at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka lumingon sa'kin.

"Himdi, asahan mo na kakhit gaano pa ko masaktan mananatili ako.' Ramdam k ang sensiredad sa mga sinabi niya.

Hindi na ko muling nagsalita pa at pinili ko na lang na tumingin sa labas ng bintana kaya muli niyang tinuloy ang pagmamaneho.

Nandito kami ngaon sa isa sa mga bahay ampunan na pinupondohan ng Hauso Corporation. Tahimik lang ako sumunod kay Mr. Hauso papsok sa loob ng bahay ampunan. Gulat pa nga sumalubong smin ang isang madre na siguradong akong isa sa mga nangangalaga sa mga bata ditto sa bahay ampunan.

"Verio napadalaw ka," masiglang bungad sa kanya ng madre. Nagmano naman siya kaya pati ako nagmano na rin.

"Kay gandang dalaga naman ng kasama mo, ito ba ay nobla mo?" nakangiting tanong nito.

Napailing naman ako at siya na ang sumagaot. "Hindi po, baka sa hinaharap pwede na," nakangiti niyang tugon. Sabay kamot sa batok niya halatang nahihiya siya.

"Gano'n ba, paumanhi hija. O siya na at pumasok tayo sa loob nasisisguro kong masisiyahan ang mga bata sa bisitang makikita nila," wika ng Madre.

Sumunod lang ako sa kanila na nag-uusap habang naglalakad. Hindi ko mapiligan ang sarili ko na mapatingin sa paligid ng nitong bahay ampunan. Ngayon pa lang ako nakapunata sa ganitong lugar pero masasabi kong maayos at inaalagan ang lugar na ito para sa mga bata.

Nang makarating kami sa sala ay nakita naminn ang mga bata naabala sa ginagawa nila, mukahang oras ngayon ng pag-aaral nila,

"Mga bata meron tayong mga bisita," bungad ng Madre.

Napatigil at napalingon ang mga bata sa gawi namin at nang magproseso sa isip nila kung sino ang bisitang sinasabi ng Madre ay nagsitakbuhan sila papunta kay Verio na may ngiti at pananabik sa mga mukha nila.

"Kuya," masayan tawag ng mga bata habang nakayakap sila kay Verio. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napangiti na lang ako habang pinanood sila.kumalas muna si aVerio sa pagkayakap sa mga bata.

"Kamusta kayo? Nagpapakabait at lagi niyo bang sinusnod sila Madre?' nakangiting niyag tanong sa mga bata. Sabay-sabay na tumangon ang mga bata na may nakaukit na ngiti sa mga labi nila,

"Kuya, sino po siya?" Itinuro ako ng batang babae, kaya naman nahhiya akong napangiti.

"Siya si ate Nixtry, kaibigan at katrabahoko siya," pakilala niya sakin.

"Gano'n po ba, kuya tulungan at turuan niyo naman kami." Hinatak ng isang batang lalaki si Verio kaya naman nakihatak na rin ang iba pang bata.

Sumunod na lang ako sa kanila papunta sa mga ginagawa nila.

"Ano bang ginawa niyo?" tanong ni Verio.

"Sabi ni Madre Lisa ay gumuhit daw po kahit ng pangarap naming bahay," sagot naman ng isang batang babae. Mga nasa doseng bata ang kasamanamin rito ngayon.

"Sige tutulungan naming kayo, pero ang mga babae ay si ate Nixtry ang tutulong at ako nman sa mga lalaki," nakangiting aniya. Tumangon naman ang mga bata bilang sagot, nasiputahan na skin ang mga batang babae kaya naman sumunod na lang ako sa kanila.

Nagsimula na kami t gano'n din sila. Una naming ginawa ay pagpapakialala para alam ko naman kung sino sila.

"Ako po si lanla" pakilala ng isang bata at sumunod na nag iba.

"Ako naman po si Tina.'

'Ako naman po si Gaging,"

"Ako naman po si Shiela."

"Ako naman po si Leila."

"Ako naman po si Kayla."

Nang matapos silang magpakikila, ako namna ang nagpakilala.

"Ako naman si Nixtry Noime Devaquel, katulad ng sinabi ng kuya niyo magkaibigan at magkatrabaho kami," saad ko.

"Nagsimula na kam, isa-isa kong tinuruan at tinignan kung paano sila sila gagawa ng mga pangarap nilang bahay, pero si Leila wala pa rin nagagawa kaya naman nilapitan ko siya,

"Bakit wala ka pang nagagawa? Tanong ko.

"Wala po akong maisip saka po wala naman akong kasamang titira do'n, kaya bakit pa ko gagawa?" malungkot na wika ni Leila.

Hinawakan ko ang lapis niya saka tumingin sa kaniya.

"Alam mo Leilla, pwede tayong mangarap para sa sarili natin. 'Yong bang kahit wala tayo makakasama sa buhay pwede tayong magin masaya, kaya naman mangarap ka lang,"nakangiting ani ko. Ibinigay ko ang lapis sa kaniya.

"Ate, kayo po anong pangarap niyong bahay?" tanong niya.

"Simple lan lang'yong kasya lang kami ng pamilya ko at palaging masaya, walang may sakit 'yon lang masaya na ko do'n," saad ko. Nakangiti itong tumangon sa'kin kaya bahagya kong ginulo ko ang buhok niya.

Abala pa ang anim ng batang babae sa pagguhit kaya naman nagpasya akong mag-ikot kahit sandali lang para akita ko pa ang ibang bahagi nitong bahay ampunan. Ngunit 'di pa ko nakakahakbang ng malayo ay sumunod sa'kin si Verio.

"Baka hanapin ka nila," ani ko.

"Nagpaalam ako, ikaw saan ka pupunta?" tanong niya.

"Mag-iikot-ikot lang," sagot ko.

"I-tour na kita," tugon niya.

Nagpunta kami sa likod ng bahay ampunan kung nasaan ang playground ng mga bata, at kasalukuyang may mga batang naglalaro do'n Muli gumuhit sa labi ko ag ngiti marahil ang saya nilang panoorin. Nakakagaan ng pakiramdam.

"Kanina pa kita nakikitang nakangiti, tila mahilig ka sa mga bata," wikamniya.

"Hindi naman, ang saya at ang gaan lang sa pakiramdam na makita silang ganyang kasaya dahil 'yon naman talaga ang dapat ginawa nila ngayon sa panahon ng kabataan nila," pahayag ko.

"Sang-ayon ako sa mga sinabi mo, sa tuwing nalulungkot, maasaya o ' di kaya bakante ko sa trabaho madalas ditto ako nagpupunta, ang srap kasi sa pakiramdam kapag sila ang kasama ko at kung minsan napapayuhan ako ni Madre Lisa kapag litong-lito akosa nararamdam ko," pahayag niya.

"Katulad nga ng sinabi ko nakakagaan sa pakiramdam na makitang nakangiti at masaya ang mga bata," tugon ko.

"Mukhang ito na ang lugar kung saan pwede kitang mapaibig," natatawang aniya. Napatingin ako sa kaniya, halatang pilit lang mga tawa niya. Dahil alam ko sa loob niya umaasa at nasasaktan siya.

"Sana nga meron ugar kung pwede mong mapa-ibig ang isang tao at matandaan ang lugar na 'yon dahil masisiguro akong ang sarap balik-balikan ng lugar na 'yon." Bigla ko naman naalala ang tungkol samin ni Porles.

"Para sa'kin meron talaga luagar kung saan moa pa-iibig ang isang tao kaya naman hinahanap ko 'yon para sa'yo. Umaasa nab aka ito na ang lugar na 'yon." Ramdam ko na seryoso at sinsero ang mga sinabi niya, kaya 'di ko maiwasan masaktan para sa kaniya.

Siguro kung 'di ko nakilala at minahal si Porles sa panaginip naming, baka sakaling ikaw ang nakapasok sa puso ko.

Patawad.


A/N: HAPPY NEW PEACERS  :) GOD BLESSED YOU. LOVE YOU <3

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon