Dream 40

4 1 0
                                    

A/N:  GUYS PLEASE TO ANY TYPO ERROR AND WRONG GRAMMAR OF THIS CHAPTERS PLEASE COMMENT INLINE TO HELP ME PLEASE, THANK YOU SO MUCH.

Nixtry POV

Isang buwan na ang lumipas, simula ng piliin namin tapusin ang ang mga pagkikita namin sa panaginip, pero hindi ang relasyon namin. Alam kong kahit hindi na kami magkikita pa sa panaginip at hindi man namin makita ang isa't isa sa reyalidad ay patuloy pa rin naming minamahal ang isa't isa, yon ang bagay na hindi mawawala o matatapos samin. Ang magmahalan ng panghabang buhay ay pangakong panghahawakan namin.

Kung minsan hindi ko pa rin maiwasan na umiiyak, lalo na kapag natutulog ako at pinipilit kong lumitaw siya sa panaginip ko pero kahit anong gawin ko o ilang beses ko man subukan ay walang nangyayari. Sa huli ay nalulungkot lang ako at nangungulila sa kaniya ng sobra.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasanay ang sarili ko na wala si Mama, Lagpas isang buwan na rin siyang wala sa piling pero minsan naiisip ko pa rin na kamasa ko siya, katulad ng minsang gumising ako at dumiretso ako sa kusina para tiganan kung anong inihanda niyang almusal, siyempre para batiin at halikan siya sa pisngi.

Ang ngiting nakaukit sa labi ko ay nabura ng wala akong nadtanan sa kusina na kahit ano, ni-kahit ang amoy ng mga niluluto ni Mama ay hindi ko maamoy. Umiiyak akong lumapit sa lamesa kung saan siya naghahanda ng mga lulutin niya, sa kalan kung siya nagluluto at nang makita ko ang apron na lagi niya sinusuot ay kinuha ko ito at niyakap ng mahigpit.

"Ma, miss na kita! Miss na miss na kita! Kaya pwede ba bumalik ka na, kahit ngayon lang," umiiyak na sambit ko sa kawalan.

No'ng araw na 'yon, hindi ako nakakain ng maayos at buong gabi lang ako umiyak ng umiyak, dahil sa sobrang sakit at pighating nararamdam ko. Parang hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa halip ay mas lalo pa itong nadadagdagan sa bawat paglipas ng araw.

Nahinto ako sa pag-iisip at nakabalik sa reyalidad ng marinig ko ang maingay na boses ng dalawa kong kaibigan mula sa labas ng bahay.

"Kamshie, ready ka na ba sa bakasyon natin." Narinig kong sigaw ni Mara, habang naglalakad ako papunta sa harap ng bahay para pagbuksan sila ng pinto.

"Hindi pa nga ko nakapag-ayos ng mga dadlhin ko." Bungad ko sa kanila ng buksan ang pintuan ng gate, biglang sumimangot ang mukha nila at kumunot ang mga noo kaya natawa ako dahil sa naging reaksyon nila.

"Hoy! Kamshie kahit kailan ka talaga," nakabusangot na reklamo ni Yunnie nang mapagtanto ng binibiro ko lang sila.

"Anong tingin niyo sa'kin, tatamad tamad at makupad katulad niyong dalawa," biro ko, napataas at umarko naman ang mga kilay nila ng dahil sa sinabi ko.

"Ako? Tamad? Baka si Mara lang 'yon," protesta ni Yunnie. Sinamaan naman siya ng tingin ni Mara.

"So ano 'to? Ako? Tamad? Paano niyo nasabi?" asik niya, tsaka kami tinignan ng masama. Natawa kami pareho kay Mara.

Medyo totoo naman kasi na tamad siya.

"Totoo naman talaga ah," pang-aasar ni Yunnie.

"Oo na! Totoo na, pero medyo lang. Medyo!" Kung nakamamatay lang ang tingin niya, malamang kanina pa kami patay ni Yunnie.

"Okay, stop na 'yan, baka ma-late tayo sa flight natin." Aalis kasi kami for three days vacation na plinano ng dalawa para sa'kin, para daw makalanghap ako ng sariwang at kahit paano ay matanggal ang lungkot na nararamdaman ko.

No'ng sinabi nila 'yon ay agad din akong pumayag, kasi alam kong kailangan ko ng bakasyo para ayusin ang sarili at buhay ko.

Muli akong pumasok sa loob ng bahay namin para kunin ang maleta at bag na dadalhin ko. Saktong paglabas ko ay dumating ang van na sasakyan namin papuntang airport.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon