Dream 23

29 6 0
                                    

Nixtry POV

Nag-aayos na ako para pumasok sa trabaho. Hindi ko pa rin uli nakikita si Porles sa panaginip o mas tamang sabihin na 'di pa rin kami uli nagtatagpo sa panaginip ng isa't-isa kahit pa gustong gusto ko na at alam king gano'n din siya.

"Anak, kumain ka na," bungad sa'kin ni Mama kaya naman sinabayan ko na siyang kumain.

"Okay ka lang ba? Anak, pansin ko nitong nga nakaraan ang tahimik mo may problema ba sa trabaho mo?" nag-aalalang tanng ni Mama.

"Wala Mama, abala lang po ako sa trabaho," sagot ko.

"Gano'n ba magpahinga ka rin kahit minsan lang," wika niya.

"Opo Ma, saka aalis na rin po ako." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi bago ako tuluyang umalis.

Paglabas ko ng bahay ay gano'n na lamang ang gulat ng may nakaparadang sasakyan sa harap namin. Tinignan ko kung sino ang lalaking nakatayo sa gawing kanan nito at na pagtanto ko na si mr. Hasuo, tila hinintay ako.

"Mr. Hasuo," tawag ko sa kaniya.

"Nand'yan ka na pala," tugon niya.

"Bakit ka nandito?" naguguluhan kong tanong.

" Sinusundo ka," kaswal na wika niya.

"Bakit?" Naglakad na ako patungo sa pwesto niya.

"Gusto ko," pangangatuwiran niya.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to." /Alam ko naman ang ibig sabihin ng ginagawa niyang ito pero ayaw ko lang tanggapin dahil alam kong masasaktan lang siya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger sit kaya naman su,akay na lang ako kaysa humaba ang diskusyo naming dalawa at ;yon ang iniiwasan ko, kay hanggang sa byahe namin ay tahinik lang ako.

"Ayaw mo ba sa'kin?" biglang tanong sa gitna ng katahimikan na namayani sa pagitan namin.

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin dahil kahit sarili ko ay hindi alam ang sagot.

"Nixtry, Sometimes silence means yes," malalim na turan niya.

"Hindi ko alam pero ang alam ko lang masasaktan lang kita kapag itiunuloy mo pa ang nararamdaman mo sa'kin,"  mahinang tugon ko.

"Hindi ba gano'n na talaga kapag nagmamahal," diretsong sagot nya.

"Siguro nga," naisatinig ko na lang.

"Bakit hindi mo subukan na papasukin ako d'yan sa puso mo." Ramdam ang pakikiusap sa tinig niya.

"Mahuhuli na tayo," iyan na lang ang nasabi ko dahil ayaw kong sagutin ang sinabi niya.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa at hindi niya na 'yon muling binasag pa hanggang sa makarating sa parking lot ng Hasuo corporation.

"Salamat," turan ko at binigyan niya naman ako ng isang ngiti. nagpatiuna na ako dahil alam kong may namuo ng ilangan sa pagitan namin.

"Sandali lang." Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya.

"Last chance na, pwede bang magdate tayong dalawa kahit isang araw lang please!" Nagsususmamo ang mga mata .

"Hindi ba sabi ko kanian, masasaktan ka lang kaya bakit?" Lumapit siya sa'kin.

"Kahit isang araw lang pakiusap," nagsusumamong saad niya.

"Hindi ko alam, pag-iisipan ko pa," tugon ko. Katulad ng kanina ay isang tipid na ngiti na lang ang isinukli niya.

Love Into DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon