2nd Blossom

1.1K 47 1
                                    

*%*% Second Blossom *%*%

HER NECTAR

Tanaw ko ang maaliwalas na kapaligiran mula dito sa bintanang kinauupuan ko. I shifted my vision at natanaw ko naman ang IQ department na nakukulayan ng itim at puting pintura. Napakaelegante nito sa paningin at sadyang nakakamangha--

"What do you think you're doing?" I heard a voice kaya napalingon ako sa may pintuan at agad na napangiti ng malapad nang makita ko ang mga nakakunot nilang noo.

Dumating na sila.

Agad akong tumalon saka sinunggaban ng yakap si Mint.

"I missed you Mint!" Masaya kong sambit habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.

"Very obvious baby and I also missed you." I smiled and I know that he is smiling too.

Kumalas na ako sa yakap at tumingin sa kanya ng nakanguso. "You're so daya! Di ka man lang nang imbita papuntang Japan!" Ginulo niya ang buhok ko matapos kong sabihin iyon.

"Hindi ka pwede doon." saad niya na ikinasimangot ko.

"Palagi naman eh, pag may pupuntahan kayo, bawal ako lagi sumama."

"Huwag ka ng magtampo, may pasalubong naman ako sayo." nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

"I love you Mint!" I beamed then give him a peck on his cheek.

"I love you too baby." he replied saka ginulo na naman ang buhok ko.

Nakarinig nalang kami ng tikhim mula sa mga taong nasa likod ni Mint.

"Disgusting." Komento ni Xerox.

"Tch!" ani Sky.

"Mahiya nga kayo!" imik din ni Aki.

"May sinasabi ka Xerox?" Nakataas kilay kong tanong sa pinsan ko.

"Ayan na, nagmamaldita na siya." I heard Aki's mumbles.

"Wala! Asan na ang kiss at hug ko? Hindi pwedeng si Mint lang. " masungit niyang sabi.

Kagabi lang ay pumunta siya sa bahay pero busy ako kagabi dahil may binabasa ako sa silid ko kaya di kami nagkita, but then bago siya lumabas ay hiniram pa ata ang earphones ko. Astig kasi yun eh, nakalimutan kong dalhin sa kwarto kaya nakita niya sa living room.

Niyakap ko din siya at hinalikan sa pisngi, almost one week din kasing nawala ang mga lalaking ito.

"May dalaw ka ata Xerox ngayon?" Tanong ko pagkalayo ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya saka nagsalubong ang dalawang kilay.

"What did you say?" malamig niyang tanong.

Eh? Di niya narinig? Sige uulitin ko.

"Sabi ko may dal—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad na tinakpan ni Mint ang bibig ko.

"Xerox, tara na, Princess mauna na kami." biglang paalam ni Sky at hinalikan ako sa noo bago niya kinaladkad si Xerox na matalim ang tingin sa akin.

Problema niya?

"Bakit mo sinabi iyon? Alam mo namang mainitin ang ulo ni Xerox."

"Huh?" nagtataka kong tanong kay Aki.

"Sinabihan mo lang naman ng nakakadiring bagay si Xerox, sinong lalaki ang hindi magagalit doon?"

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.

"Parang may dalaw ka din, ang sungit mo!" nanlaki ang mata niya at akmang susugurin niya ako nang pigilan siya ni Mint.

"Don't you dare Aki." Mint said coldly.

Paradise and Her IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon