*%*% Twenty Fifth Blossom *%*%
"Dice! Oh my! Bakit di ka pumasok kahapon? May sakit ka ba?" nag aalalang tanong ni Cookie ang bumungad sa akin.
Napabaling muna ako sa loob ng classroom namin at napansin kong wala sila Mint.
"Where are they?" i asked absentmindedly.
" Sila Mint ba? Umalis sila kahapon, pupunta daw ng ibang bansa." tumango ako. Kahapon pala sila umalis?
"Teka- sagutin mo nga ang tanong ko kanina!"
Omo! Nagtaas na siya ng kilay.
I giggled.
"I'm not feeling well kasi kahapon kaya natulog lang ako buong ara--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may biglang nanulak sa akin. Buti nalang at mabilis ang agility ko kaya naiwasan kong mahalikan ang gilid ng pinto.
"Tabi! Haharang harang kitang pintuan to!" i held my breath as Cookie gasped on what she heard.
The guy who pushed me glared at me first before he went inside the room.
Napaamang ang bibig ko saglit pero i immediately composed myself at tiningnan ng mabuti ang lalaking yun.
Strix Miller.
Tsk! How rude?
Maaaring tama ang mga nakalagay sa info ni Mr. Lunar pero hindi niya isinabay doon ang mga nakatagong ugali ng bawat isa sa amin. Kung ano ang ipinapakita namin ay iyon lang ang isinabay niya.
He didn't go further for our deepest attitudes and behaviors.
And that's a good thing.
Napanguso ako. Ano bang problema ng Strix na yan sa akin?
Di ko naman siya pinapakialaman ah?
"Okay ka lang Dice? Ang sama ng ugali ng Strix na yan ha!" inis niyang wika habang chinecheck kung nagalusan ako.
"I'm okay. pasok na tayo baka matulak na naman ako dito." i said and it's not a joke.
Kung nagawa yun ni Strix sa akin pwede rin iyong gawin ng iba pa naming classmates.
Hindi ko pa sila kilala and i know that there's a beast hiding in each one of us. There's a beast hiding inside those beautiful faces.
Naupo ako sa upuan ko. Wala pa pala si Silver dahil may pinuntahan pa siya. Hindi na ako sumunod dahil may natuklasan akong kakaibang pakiramdam tuwing malapit ako sa kanya, at kanina ko lang iyon napagtanto. Ni hindi ko alam kung makakabuti ba iyon sa sistema ko o makakasama kaya mabuti pang dumistansya muna ako kahit ilang oras lang.
"Seriously? Treat mo mamaya sa bar Prince Strike?"
"Uh huh, it's friday night so why don't we have some fun?"
"That's why we like you Prince Strike, masyado kang galante at hindi KJ."
Napalingon ako sa mga kaklase kong kakapasok pa lang. Ang ibang myembro ng Supreme Government at si Arrogant Beast ang nakita ko.
For real? Close na sila?
Pinagmasdan ko ang Titanium na yun. Bakit ba napakahilig niyang ngumisi?
"Prince Strike, isasama mo ba si Prince Ice?" tanong ni Kora.
Nginisihan naman siya ni Strike and swear nakita ko kung paano mamula si Kora.
"Hindi pa ba sapat ang presensya ko?" he said in a sweet tone. Ugh-! Ang landi niya swear!