%*%* Thirty Fourth Blossom %*%*
"What's wrong Silver?" nag aalalang tanong ni Venus nang biglang nabitawan ng binata ang hawak nitong kutsilyo na pinanghihiwa lang kanina sa cabbage.
Nagkuyom ng palad ang binata na ikinagulat ni Venus. May nagawa ba siyang masama para magreact ng ganun si Ice? Pero sa pagkakaalam niya ay maayos naman ang pauusap nila kanina.
"May nasabi ba akong mali?" tanong niya ulit pero wala siyang narinig na sagot mula sa binata.
Umalis ito ng madilim ang mukha at umakyat sa taas. Napalunok siya at namutla. Minsan lang niyang makita na ganun si Ice at iyon ay sa tuwing may nangangahas na humarang sa landas nito. Kung hindi pulbos nitong iniiwan ang mga bumabangga sa kanya ay pinapahirapan niya naman ito ng labis labis. Ilang mga taga itim na emperyo na din ang nakaranas ng lupit ng kapartner niya kaya naman kinakabahan siya ngayon sa biglang pagpapakita ng kakaibang emosyon ni Ice.
May mga taga itim na emperyo bang nasa paligid lang? Pero kung ganun nga ay magiging kalmado lang ang binata at hindi magrereact ng ganun bukod nalang kung mangahas ang mga ito na gumawa ng bagay na hindi kaaya aya sa paningin ng binata. Ano bang nangyayari at ganun nalang ang inasta ni Ice?
Tahimik niyang sinundan ang binata at naabutan niyang nakatitig ito sa harap ng isang pintuan. Kumirot ang puso niya nang mapagtanto na iyon ang silid ng babaeng kasama kanina ni Silver. At bigla nalang niyang naalala ang mga sinabi sa kanya noon ni Hades. Na special lang siya kay Silver pero may nagmamay ari na sa puso ng binata. Ito ba ang babaeng tinutukoy ni Hades na babae?
Nag ipon siya ng lakas para magtanong. "Who's that girl Silver?" imbes na sagutin siya ay naglaho ito sa hangin.
Naiwan siyang mag isa sa harap ng pintuan at wala siyang ibang nagawa kundi ang magbuntong hininga. Nilayasan na naman siya ng kapartner niya. Aalis na sana siya sa tapat ng pintuan nang bigla itong bumukas at nakaharap niya ang isang babaeng may puting buhok. Nanlaki ang mata niya sa nilalang na bumungad sa kanya.
"S-sino ka?!" agad niyang naibulalas. Naningkit ang mata ng babaeng lumabas sa pinto.
"I want to crash your face." yan ang isinagot sa kanya ng babaeng may puting buhok.
Napanganga siya. Pamilyar ang mukha ng babaeng to pero bakit mukhang diyosa ang sumalubong sa kanya? Sa pagkakaalam niya'y hindi puti ang buhok ng babaeng kasama ni Silver kanina.
Anong nangyayari?
Pinakiramdaman niya ang aura ng kaharap niya at ganun nalang ang paglunok niya nang wala siyang makitang aura na dumadaloy dito. Anong klaseng nilalang ang kaharap niya?
"Ano ka ni Silver?" makamandag nitong tanong sa kanya. Napaatras siya. At bakit Silver din ang tawag niya kay Silver at hindi Prince Ice?
Bigla siyang kinilabutan sa kaharap niya. Kung hindi ito tao ay ano ito? Imposible namang bampira ito dahil walang bakas siyang nakikita na magkalahi sila. At hindi niya din maramdaman ang aura ng isang taga itim na emperyo sa babaeng to.
"K-kapartner ko si Silver." matigas niyang sagot pero nautal pa rin siya. Ayaw niya na sanang sagutin ito ngunit parang may pwersang nag uutos sa kanya na kailangan niyang magsalita sa harap ng diyosang ito.
Nagulat nalang siya nang biglang lumakas ang hangin. Malapit kasi sa veranda ang kwartong ito kaya open sa parteng ito ng rest house. Tiningnan niya ito direkta sa mata at sa pagkagulat niya'y nag iba ang kulay ng mga iyon. At doon niya napagtanto kung anong klaseng nilalang ang kaharap niya.
"I-isa kang--" naputol ang sasabihin niya nang may maramdaman siyang nilalang sa kanyang likod.
"Umuwi ka na Venus." bulong nito sa kanya.
Natigil ang malakas na hangin habang napatulala naman ang babaeng nasa may pinto. Para namang nahypnotismo si Venus at agad na naglaho gaya ng utos ng prinsipeng nasa likod niya.
"S-silver." sambit ng babaeng nasa may pinto.
Napabuntong hininga ang binata at lumapit sa dalaga."Bakit ganito ang itsura mo?" malamig nitong tanong.
Bigla namang nataranta ang dalaga. "A-anong itsura?" nagtataka nitong tanong. Hinawakan ni Ice ang ilang hibla ng buhok niya at ipinakita sa dalaga.
"What? ! Ba't nawala ang spell?!" bulalas nito sa pagkabigla saka tumakbo pabalik sa silid niya at humarap sa full sized mirror.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang itsura sa harap ng salamin. Anong nangyari at nawala ang spell na ibinalot niya sa kanyang sarili? Napatingin siya sa manikang nasa kama niya. Oo, ibinalik niya sa loob si Titanium, mas maganda na iyon para walang makakita sa binatang itatago niya. Naalala niyang masyado niya palang ginamit ang kakayahan niya kaya siguro humina ang mahikang ibinalot niya sa katawan niya kaya lumitaw ang kulay puti niyang buhok.
Pero kahit mawala ang spell ay hindi pa rin iyon maaaninag ng ordinaryong tao dahil may pulbos siyang isinaboy sa sarili para hindi makita ng mga ordinaryong tao ang totoo niyang mukha. Kaya paano napansin ng babaeng naglaho-- naglaho?!
Kung ganun ay hindi tao ang babaeng yun? Katulad ba siya ni Ice? -- Alam niya ng hindi tao ang binatang kasama niya pero bakit si Titanium ay isang tao? Napakagat siya sa dila niya. Parang pareho lang sa sitwasyon niya noon. Iwinaksi niya ang alaala ng nakaraan at muling tumitig sa salamin.
"Bampira." bigkas niya ng mahina.
Tama, isang bampira ang babaeng iyon. Halata sa balat niya at sa paraan ng pagtitig niya sa kanya kanina. Unti unti siyang napangisi.
"Wag mo ng gagamitin ng ganun ang kapangyarihan mo." napagitla siya sa biglang pagsulpot ni Ice.
"How'd you know?" she asked while frowning.
"You need to rest." sa halip na sagutin siya ay iyon ang sinabi ng binata saka siya hinila papunta sa veranda. Pinaupo siya nito kaya napanguso nalang siya.
"Makakapagrest ba ako dito?" tanong niya habang pinagmamasdan ang puti niyang buhok at sinimulang laruin.
Wala siyang sagot na narinig pero napaangat siya ng tingin nang makarinig siya ng tunog ng plawta. Unti unting nanlaki ang mga mata niya habang pinapakinggan ang musikang nililikha ng binata. Pinagmasdan niyang mabuti ang likuran nitong nakaharap sa balkonahe at halos takasan siya ng dugo ng mapagtanto niya ang pamilyar na likod nito.
"I-it's you..." gulat niyang utas habang namimilog ang mata.
To be continued...
%*%*_%*%*_%*%*_
|| Always Keep the Faith ||