*%*% Twentieth Blossom *%*%
HER NECTAR
"Silver pumayag ka na kasing turuan ako! Fast learner naman ako eh! Sige na! Pleaaseee~~?" omo! Grabeng pamimilit na ang ginawa ko sa kanya para turuan ako ng martial arts pero wala talagang epekto sa kanya.
Noong kinukulit ko naman siya sa rest house niya ay inabutan lang ako ng isang food box saka tinalikuran na.
I don't even know kung anong food ang laman nun dahil hindi ko pa nasisilip at isinalampak ko lang basta sa bag ko dahil sumunod ako agad sa kanya.
Tapos ngayong isinabay niya ako—uhm, nagcommute kami ulit actually.
I bet he's so tamad magdrive diba?
Nakakainis na talaga! Paano ko ba siya mapapapayag na turuan ako? Tsaka bakit ba napakadamot niya?
My gracious!
Nagsibabaan na kami sa malaking sasakyan na 'to, tatlong likuan pa at isang mahabang daanan ang lalakarin namin bago makarating sa Lotus University.
Nakasimangot na talaga ako ng sobra at dahil sa sobrang inis ko ay umupo nalang ako sa daan. Huh! Kung ang mga baby malakas magtantrums, mas naman ako!
Nakita kong tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa direksyon ko. Ngumuso ako at nagcross arms.
Pansin ko din na tumigil din sa paglalakad ang ibang mga estudyante na mga taga ibang school at tumitingin na sa akin. Omo! I don't care anyway!
Hindi naman sila mga taga Lotus University eh wala naman kasing mga taga LU ang dumadaan sa lugar na to.
Diresto ang tingin ko kay Silver na ngayo'y papalapit na sa akin. Sa wakas ay pinansin niya din ako! Lihim akong napairap sa kanya.
"Turuan mo na kasi ako!" pagtatantrums ko.
"Get up. " utos naman niya pero sinimangutan ko siya.
Ayaw niya pa ring pumayag, edi hindi din ako tatayo dito!
"Ayaw ko! pumayag ka kasi muna!" akmang aabutin niya sana ang kamay ko para itayo kaya sumigaw na ako.
"NO! I won't stand up until you say yes!"
"It's dangerous. " sambit niya na hindi mababakasan ng emosyon.
Agad akong napatitig sa kanya. He replied! Omo! Papayag na kaya siya?!
" I can take it and I don't care even death awaits. " matapang kong pahayag.
Seryoso. Joke lang yun, as if naman hahantong sa kamatayan noh para training lang eh.
Tatalikuran na naman sana niya ako kaya umiyak na ako! Ewan ko nalang kung di pa to maawa sa cute na si ako.
Narinig kong may mga napasinghap nang humikbi na ako. Gusto ko lang naman kasing matuto eh. Ba't ipinagdadamot niya pa yun?
Naramdaman kong may pumantay sa akin kaya napaangat ako ng ulo.
"Stop crying. " he said at naglabas ng panyo.
Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pag iyak. Sila mommy nga nagpapout palang ako pumapayag na, samantalang ang isang to pinaiyak na ako't lahat ayaw pa rin?!
My goodness!
"Fine, but you keep it as a secret. " at dahil sa mga katagang yun ay bigla akong napatigil sa pag iyak.
P-pumayag na siya?! For real?!
Naramdaman ko nalang na pinupunasan na niya ang mga luha ko samantalang nakatitig pa rin ako sa mukha niya.